Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng The International, 30 koponan ang maglalaban-laban para sa Aegis of Champions at pinakamalaking bahagi ng prize pool.

Ito ang inanunsyo ng Valve ilang araw matapos ipabalitang sa Singapore gaganapin ang taunang Dota 2 world championship. Dagdag nila, ang paparating na turneo na raw ang magiging pinakamalaking Dota event.

Kasabay nito, ipinabatid din sa parehong anunsyo na page-eksperimentuhan nila ang schedule ng palaro. Naglagay sila ng mas maraming break ngayong taon, alinsunod sa kanilang adhikain na gawing mas exciting at accesible ang broadcast.


Schedule ng The International 2022

30 koponan ang lalaro sa The International 2022
Credit: Valve

Apat na sunod-sunod na linggo gaganapin ang The International 2022.

Magsisimula ito sa ikawalo hanggang ika-12 ng Oktubre para sa Last Chance Qualifiers, na susundan ng Group Stage, na gaganapin simula ika-15 hanggang ika-18 ng Oktubre.

Mula sa 30 kabuuang koponan, 20 mula dito ang makaka-qualify sa Main Event. Gaganapin ang playoffs ng turneo sa SunTec Singapore simula ika-20 hanggang ika-23 ng Oktubre.

Si SumaiL ang bagong midlaner ng Nigma Galaxy
Credit: Suntec Singapore

Sa Singapore Indoor Stadium naman malalaman kung sino ang mag-uuwi sa pinaka-aasam na Aegis of Champions. Gaganapin ang Finals simula sa ika-29 hanggang sa ika-30 ng Oktubre.

Nakatakda ring ilabas ng Valve ang mga detalye tungkol sa ticket selling sa mga susunod na araw.


Bukod sa mga detalye tungkol sa The International 2022, nagpahapyaw din ang Valve tungkol sa Dota Plus June update at 7.31d Gameplay Update, na ilalabas sa ikawalo ng Hunyo, mas late kumpara sa nakasanayan dahil ito raw ay mas malaki kumpara sa mga naunang patch.

Samantala, wala namang ibinigay na update ang Valve ukol sa Battle Pass.

Mababasa ang kumpletong anunsyo dito.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Si SumaiL ang bagong midlaner ng Nigma Galaxy