Sasandal muna ang Nigma Galaxy sa kinikilalang “King” ngayong pinagdadaraanan nila ang pinakamahirap na pagsubok sa kanilang kampanya.

Ipinakilala ng koponan si Syed Sumail “SumaiL” Hassan, na umalis mula sa Team Secret, bilang ang pinakabago miyembro ng kanilang Dota 2 team.

Patuloy ang pagbida ng 23-taong-gulang na manlalaro sa mga sikat na organisasyon ng Western Europe, bagamat maglalaro ang Nigma Galaxy ngayon mula sa Division 2 ng Dota Pro Circuit WEU matapos ma-relagate noong ikalawang Tour.

Natulungan ni SumaiL ang OG — gayun din ba sa Nigma?

Si SumaiL ang bagong midlaner ng Nigma Galaxy
Credit: OG

Gaya ng nakita sa OG noong kampanya nito papuntang The International, kailangang umasa ng Nigma Galaxy sa husay ni SumaiL para masalba sila mula sa pagkakasadlak.

Matatandaang noong 2021, ang last-minute addition ni SumaiL sa OG ay nakatulong para maka-qualify sa Dota 2 world championship ang two-time The International champions mula sa open qualifiers. Kasama sa tinalo nila ang koponan niya ngayong Nigma Galaxy.

Kailangang ma-retain nina SumaiL ang kanilang spot sa Division 2 para magkaroon ng tsansa na makaaro sa open qualifiers dahil wala na silang tsansa na makalikom ng DPC points mula sa Arlington Major.

Kung makakapagtapos sila sa loob ng ikalawa o ikatlong puwesto sa qualifier, may tsansa pa sila sa bagong inisyatibo ng Valve na LAN wildcard.

Dito, 12 koponan ang maglalaban-laban para sa dalawa pang slots sa TI11, na bubuuin ng 20 koponan.

Roster ng Nigma Galaxy para sa DPC WEU 2021/2022 Tour 3

Si SumaiL ang bagong midlaner ng Nigma Galaxy
Credit: Gamers Galaxy
  • (1) Amer “Miracle-” Al-Barkawi
  • (2) Syed Sumail “SumaiL” Hassan
  • (3) Ivan” MinD_ContRoL” Ivanov
  • (4) Maroun “GH” Merhej
  • (5) Kuro “KuroKy” Takhasomi
  • (coach) Roman “rmN-” Paley

Binubuo na ngayon ng dalawa sa pinakamalalakas na midlaners, na sina SumaiL at Miracle-, ang Dota 2 roster ng Nigma Galaxy. Wala ring problema para sa dalawa na maglaro sa safelane, kaya’t hindi malabong magpalitan ng role ang dalawang core gaya ng ginagawa noong ng Team Liquid.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Balik sa Evil Geniuses si Fly matapos lang ang anim na buwan