‘Di muna pinaiiral ‘yung “no takebacks” rule sa North America ngayong 2021/2022 Dota Pro Circuit season.

Bago kasi magsimula ang ikatlong Tour, in-announce ng Evil Geniuses na nagbabalik si Tal “Fly” Aizik bilang kapitan at hard support ng koponan. Matatandaang pinakawalan ang manlalaro noong nakaraang offseason para sa dating OG support na si Jesse “JerAx” Vainikka, na siya namang umalis ngayon.

Inanunsyo ng EG ang balita gamit ang kwelang video kung saan ine-edit ang Photoshop file na unang nagpapabatid sa pag-alis ni Fly.

Hindi naman nagpahinga ang 29-taong-gulang na pro paglisan niya ng Evil Geniuses. Lumaro siya sa Southeast Asia sa ilalim ng Talon Esports, at saglit na naging coach ng TSM. Nagsilbi rin siya bilang isa sa mga talent noong ESL One Stockholm Major.

Ang roster ng Evil Geniuses para sa DPC 2021/2022 NA Div 1 Tour 3

Balik sa Evil Geniuses si Fly matapos lang ang anim na buwan
Credit: ONE Esports
  • (1) Artour “Arteezy” Babaev
  • (2) Abed “Abed” Yusop
  • (3) Egor “Nightfall” Grigorenko
  • (4) Andreas “Cr1t-” Nielsen
  • (5) Tal “Fly” Aizik
  • (coach) Kanishka “BuLba” Sosale

Bagamat maagang namaalam sa nakalipas na Major, nasa posisyon pa rin ang kilalang North American team para maka-directly qualify sa The International 11, na nakatakdang ganapin sa Singapore ngayong taon.

Kailangan nilang maselyo ang first-place sa huling Tour ng DPC para makapasok sa Top 12 mula sa Top 14 na kina-uupuan nila ngayon.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ninjaboogie sinabing ‘nasipa’ siya ng Team SMG dahil sa kalagayan ng kanyang ina