Undefeated pa rin ang Tundra Esports sa DPC WEU 2021/2022 Tour 3 Division 1 matapos walisin ng koponan ang OG, 2-0.

Nagpakitang-gilas ang offlaner ng European organization na si Neta “33” Shapira sa kanilang panalo gamit ang Lycan.

Lycan ni 33 ng Tundra Esports, pinaglaruan ang OG

Husay ni 33 mag-micro, susi para mawalis ng Tundra Esports ang OG
Credit: Tundra

Matapos maselyo ang unang mapa, madaling nalamangan nina 33 ang kampeon ng ESL One Stockholm Major sa sumunod na laro. Mabilis nakuha ng Israeli ang kanyang Helm of Dominator para ma-cut ang creep wave sa safelane ng Radiant at ma-pressure ang tier one tower.

Sinubukan ng Monkey King ni Artem “Yuragi” Golubiev at Winter Wyvern ni Mikhail “Misha” Agatov na pigilan si 33 pero hindi sapat ang kanilang damage para mapatay ang kanyang Lycan bago pa ito makapag-Shapeshift at makatakbo sa kaligtasan.

Kahanga-hanga rin ang ipinamalas niyang pagma-micro sa controlled units. Para hindi makuha ng OG ang experience mula sa mapapatay na sanang Centaur Conqueror, mabilis na na-dominate ng Tundra Esports player ang isang radiant melee creep.

Inabuso pa niya ang pagkakataon na nagku-cooldown ang skills ng kanyang mga katapat para mapatay ang Winter Wyvern ni Misha. Habang tumatakbo matapos makuha ang kill, makikita ang isa niyang invisible wolf na inii-scout kung saang puno tatalon ang Monkey King ni Yuragi.

Nang mahanap na, diretsong tumakbo si 33 papunta sa kalabang carry para putulin ang pinapatungan nitong puno gamit ang Quelling Blade. Nabigyan nito ng sapat na oras ang Clockwerk ni Leon “Nine” Kirilin at Rubick ni Martin “Saksa” Sazdov para mapatay ang Monkey King ni Yuragi.



17 minuto lang ang kinailangan ng Tundra Esports para matapos ang laro sa kill score na 13-2. Salamat sa panalo, pinangingibabawan na nila ngayon ang standings ng DPC WEU 2021/22 Tour 3 Division 1.

Samantala, Entity naman ang susubukang isunod ng Tundra Esports sa kanilang listahan. Nakatakdang magbakbakan ang dalawa sa ika-21 ng Hunyo.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Karl kumana ng quadruple rampage sa unang panalo ng T1 sa DPC SEA Tour 3