Wala pa ring bahid ng pagkatalo ang win-loss record ng RSG matapos nilang walisin ang UD Vessuwan para buksan ang ikalimang linggo ng Dota Pro Circuit SEA 2021/2022 Tour 2 Division 2.

Kasabay ng tagumpay na ito ang pagkakaselyo ng kanilang promotion sa Division 1 ng DPC SEA, ilang araw matapos din ipagdiwang ng Talon Esports ang parehong promotion.


Promotion sa Division 1 at undefeated record ng RSG, hindi raw nila inaasahan

6-0 record ng RSG, sinelyo ang slot papuntang Division 1 ng DPC SEA
Credit: RSG

Gaya rin ng Talon Esports, ang Pinoy team na UD Vessuwan ang naging huling balakid para tuluyang makamit ng koponang naunang nakilala bilang Chubbyboiz ang kanilang promotion sa Division 1.

Pero di tulad ng Talon Esports, ‘di nila hinayaang maka-isa ang koponang galing open qualifier para mapanatiling pekpekto hindi lang ang kanilang win-loss record, kung hindi maging ang kanilang match record.

Sa isang panayam ilang sandali matapos ang best-of-three, inamin ng midlaner ng koponan na si Anwei “xsilearn” Ng na higit pa sa kanilang inaasahan ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.

“For the team, we feel great for sure. Definitely past my expectations, because the goal was just to… I mean we were aiming for upper, but the bottom goal was to just remain in Division 2, so I would overall the mood is good,” aniya.

Sa ngayon, may 6-0 ang win-loss record ng RSG, habang 12-0 naman ang kanilang map standing.


xsilearn: ‘We are going for that 7-0’

Bagamat nakuha na nila ang Divsion 1 slot, may tsansa pang madungisan ang record ng RSG dahil may natitira pa silang laban at ito ay kontra Talon Esports.

Parehong undefeated sa DPC SEA 2021/2022 Tour 2 Division 2 ang RSG at Talon Esports kaya’t tiyak na kapanapanabik ang magiging bakbakan. Pero kahit ‘expected’ na raw ang pangingibabaw ng koponan nina Nuengnara “23savage” Teeramahanon, hindi magpapakampante sina xsilearn.

6-0 record ng RSG, sinelyo ang slot papuntang Division 1 ng DPC SEA
Credit: Talon Esports

“For the next series, I guess, our objective should be to win even though we’ve secured the upper division already. We are going for that 7-0,” diin ng Singaporean midlaner.

Bukod sa posibilidad na matapos ang kanilang kampanya sa Division 2 nang walang talo, hindi rin malabo para sa RSG na mawalis ang buong palakasan. Gaya kasi ng nabanggit kanina, sila na lang ang koponang hindi pa natatalo kahit isang mapa sa gumugulong na Tour.

Nakatakda namang ganapin ang bakbakan sa pagitan ng RSG at Talon Esports sa Huwebes, ika-14 ng Abril, sa ganap na ikatlo ng hapon.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ang simula ng Dota 2 career ni Arteezy: Pakikipaglaban kontra sa kanyang inspirasyon na si Dendi at tagumpay sa MLG Columbus