Mukang nabitin ata si Anathan “ana” Pham sa Dota 2 action.

Matapos kasi ang mahaba-habang pahinga, magbabalik ang two-time Aegis of Champion bearer sa isang Valve-sanctioned LAN event, ang Arlington Major.

Maglalaro siya para sa Royal Never Give Up bilang stand-in sa carry nilang si Daniel “Ghost” Chan Kok Hong. Naglaro ang Malaysian carry noon sa Riyadh Masters 2022, pero bigo itong makapagpa-approve ng visa para makalipad sa USA, kung saan gaganapin ang sa nasabing Major tournament.

Ang parehong non-Dota Pro Circuit event din ang unang turneo na nilaruan ni ana simula noong nagretiro siya mula sa pagiging pro player. Kasama niya noon ang Team Liquid, pero hindi naging matagumpay ang kanilang kampanya, na nagtapos lang sa 9th-10th place.

Hindi lang RNG ang nakaranas ng problema sa kanilang visa. Sa ngayon, pitong koponan na ang kinailangang maglaro nang may stand-in, habang pinili naman ng Xtreme Gaming na ‘wag na lang dumalo sa turneo.


Si ana ang stand-in ng RNG para sa Arlington Major

Ana maglalaro para sa Royal Never Give Up sa Arlington Major
Credit: OG
  • (1) Anathan “ana” Pham
  • (2) Lu “Somnus” Yao
  • (3) Yang “Chalice” Shenyi
  • (4) Hu “Kaka” Liangzhi
  • (5) Yap “xNova” Jian Wei
  • (Coach) Xie “Super” Junhao

Makabuluhan ang pagsisilbi ni ana bilang stand-in sa RNG. Tatlong miyembro kasi ng koponang ito ang tinalo niya kasama ang OG noong grand final ng The International 2018. Ito ay sina Somnus, Chalice, at xNova, na naglalaro pa noon sa PSG.LGD.

Ngayon, magsasanib-puwersa sila sa illaim ng RNG para mapabilang sa 12 koponang makaka-directly qualify sa susunod na Dota 2 world championship. Nasa ika-15 na puwesto ito ngayon sa kabuuang DPC rankings nang may 738.42 points at kailangan nilang maseselyo ang ikatlong puwesto sa Arlington Major para magawa ito.

Tatlong koponan—PSG.LGD, RNG, at Team Aster—ang ipadadala ng China sa huling Major ng kasalukuyang season. Dahil pasok na ang PSG.LGD sa TI11, nakasalalay na sa RNG at Team Aster ang kapalaran ng kanilang rehiyon.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Lahat ng kwalipikadong koponan sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points