Bawat professional Dota 2 team ay may pare-parehong layunin sa isang taon — ang makapasok sa prestihiyosong The International (TI). At ang siguradong paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng paglikom ng sapat na DPC points na nakukuha sa Dota Pro Circuit (DPC).

Dahil tapos na ang Tour 1 at 2, may mga koponan nang nakakuha ng sapat na puntos para maka-qualify sa TI11 na gaganapin ngayong taon sa Singapore.

Nangunguna ngayon sa rankings ang PSG.LGD na may 1,400 DPC points. Pinagharian ng TI10 runner-up ang Chinese region matapos nilang pangibabawan ang Division 1 ng parehong Tour 1 at 2, kasama pa ang pagpanalo sa Regional Finals. Lahat ng nalikom nilang puntos ay nagmula sa regional competitions dahil ang unang Major ay nakansela samantalang ang mga Chinese teams naman ay ‘di nakadalo sa ESL One Stockholm Major dulot ng travel restrictions at visa issues.

PSG.LGD TI10
Credit: Valve

Pumapangalawa naman ang TSM.FTX hawak ang 1,280 DPC points. Sa pangunguna ng kanilang captain-support David “MoonMeander” Tan, maganda ang pinapakita ng emerging North American powerhouse ngayong season. Sila ang kinoronahang kampeon sa NA Tour 1 Regional Finals at pinakitang top contender sila sa international stage sa pamamagitan ng runner-up finish sa Stockholm Major.

Tanging PSG.LGD at TSM.FTX pa lamang ang may garantisadong spot sa TI11, ayon sa simulations ng sikat na Dota 2 statistician na si Ben “Noxville” Ste enhuisen. Lahat ng ibang koponan ay pwede na lang makakuha ng 1,000 points at most kung magwawagi sila sa Regional League at sa PGL Arlington Major.

Ang OG, Gaimin Gladiators at Thunder Awaken — mga koponang may higit 1,000 DPC points — ay may mataas na tsansa na maging parte ng 12 teams na makakapasok sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points.


Kumpletong listahan ng mga koponang pasok sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points

TI11 Singapore
Credit: Valve

(Ia-update)

STANDINGKOPONANDPC POINTSREHIYONPASOK NA SA TI11?
1stPSG.LGD1,400ChinaOo
2ndTSM.FTX1,280North AmericaOo
3rdOG1,140Western EuropeHindi
4thGaimin Gladiators1,130Western EuropeHindi
5thThunder Awaken1,040South AmericaHindi
6thbeastcoast995South AmericaHindi
7thFnatic820Southeast AsiaHindi
8thTeam Spirit790Eastern EuropeHindi
9thTundra Esports712Western EuropeHindi
10thBetBoom Team640Eastern EuropeHindi
10thTeam Aster640ChinaHindi
12thBOOM Esports622.5Southeast AsiaHindi

Inanunsyo ng Valve na 30 koponan ang makakasali sa TI11 kaya naman ito ang pinakamalaking Dota 2 event sa kasaysayan. 20 koponan ang magbabakbakan sa group stage.

Sa mga koponan na hindi makakapasok gamit ang DPC points, maaaring makasali sa pamamagitan ng Regional Qualifiers sa Agosto. Ang bawat kampeon sa anim na rehiyon ay makakaabante sa group stage ng TI.

Ang dalawang natitirang slot ay paglalaban-laban sa Last Chance Qualifiers na gaganapin din sa Singapore.

Credit: Noxville

Para sa T111 at Dota 2 news, maaari niyong i-like at i-follwo ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.

BASAHIN: 30 koponan ang lalaro sa The International 2022