Nagsasalpukan ang pinakamalalakas na Dota 2 teams sa buong mundo sa loob ng isang buong season na kung tawagin ay Dota Pro Circuit (DPC). Pangunahing layunin ng mga koponan na makapasok sa The International (TI), ang pinakaprestihiyosong torneo ng Valve na nagtatampok ng milyon-milyong dolyar na prize pool.

Noong nakaraang taon lang, inuwi ng Eastern European squad na Team Spirit ang lion’s share na mahigit US$18 milyon ng lampas US$40,018,195 prize pool ng The International 10.

Upang makapasok sa TI, kinakailangan ng mga koponan na makalikom ng sapat na DPC points para makaselyo ng direct invite sa naturang event. Nakukuha ito sa pamamagitan ng pagtala ng magandang placing sa isang liga o major tournament.

Credit: Valve

Ang tumatakbong Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 season ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Tour 1, 2 at 3. Lahat ng Tour ay tinatampok ang anim na regional leagues at international Major LAN events, maliban sa Winter Major ng Tour 1 na nakansela dahil sa umusbong na bagong variant ng COVID-19. Nakataya sa mga ito ang DPC points.

Katulad ng dalawang nakalipas na edisyon, direktang maiimbitahan sa The International 2022 ang top 12 teams sa DPC point standings sa pagtatapos ng season. Anim naman ang makakapasok sa pamamagitan ng regional qualifiers at dalawa mula sa wildcard tournament para sa sumatotal na 20 koponan.

Narito ang kasalukuyang top 20 sa DPC point standings ngayong 2021-2022 season na may tsansang makaselyo ng direct invite sa TI11.


Ang kasalukuyang DPC point standings ngayong 2021-2022 season

PSG.LGD ang nangunguna sa kasalukuyang DPC point standings ngayong 2021-2022 season
Credit: Valve

Bagamat hindi nakadalo sa ESL One Stockholm Major, nangunguna pa rin sa DPC point standings ang Chinese powerhouse na PSG.LGD dahil sa kanilang dominasyon sa regional league at regional finals.

RANKKOPONANDPC POINTSREHIYON
1stPSG.LGD1400China
2ndTSM1280North America
3rdOG1140Western Europe
4thGaimin Gladiators1130Western Europe
5thThunder Awaken1040South America
6thbeastcoast995South America
7thFnatic820Southeast Asia
8thTeam Spirit790Eastern Europe
9thTundra Esports712Western Europe
10thBetBoom Team640Eastern Europe
10thTeam Aster640China
12thBoom Esports622.5Southeast Asia
Credit: ESL
RANKKOPONANDPC POINTSREHIYON
13thTeam Liquid590Western Europe
14thEvil Geniuses552.5North America
15thT1328.3Southeast Asia
16thQuincy Crew282.49North America
17thXtreme Gaming240China
18thRoyal Never Give Up238.24China
19thInfamous190.72South America
20thPuckChamp180Eastern Europe

May 17 koponan pa ang may hawak ng 160.05 DPC points pababa, kabilang na ang Team Secret na nasa 27th spot dala ang 59.5 points. Lahat sa kanila ay may tsansa pang umangat sa DPC point standings basta makakuha ng mataas na placing sa kanilang regional league, makapasok sa Arlington Major at sumunggab ng sapat na puntos dito.

Para sa mga balita patungkol sa Dota Pro Circuit, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.