Maraming pwedeng ituring na best offlane heroes sa Dota 2 sa kasalukuyang meta lalo na’t iba-ibang heroes ang ating nakikita pagdating sa Dota Pro Circuit (DPC).

Pero kung ikaw ay isang offlaner na nagga-grind ng MMR (matchmaking rating) para tumaas ang iyong rank ngayong patch 7.31, narito ang mairerekomenda namin na tatlong pinakamagandang picks para durugin ang iyong kalaban sa lane.


3 best offlane heroes sa Dota 2 para magpataas ng MMR sa kasalukuyang patch

Primal Beast

Credit: Valve

Bagamat hindi gaanong kalakasan si Primal Beast pagpasok niya sa laro, agad naman siyang binigyan ng buff at mula noon ay nagsimula na siyang maghasik ng lagim para maging isa sa best offlane heroes sa Dota 2 sa kasalukuyang patch.

Standard build na Phase Boots at rush Black King Bar ang madalas na ginagawa ng mga pro player para siguruhin na hindi maaantala ang kanyang mapanirang combo.



Malaking damage ang nagagawa ng Trample habang ang Uproar naman ay ginagawa siyang halos manhid na sa physical damage. Kaya naman mahalaga ang BKB sa kanya dahil nagsisilbi itong offensive at defensive tool para makapasok at makalabas sa mga mahihigpit na sitwasyon.

Maaaring maging tricky ang paggamit ng Onslaught, pero pwede itong maging malupit na AOE initiation o kaya pangtakas depende kung paano mo ito gustong gamitin. Nila-lockdown naman ng Pulverize ang isang target at binabalewala ang status resistance kaya mabisa itong pangontra sa mga hero na tulad nila Ursa at Spirit Breaker o sa mga ginagamitan ng Sange.


Death Prophet

Credit: ArtStation

Isa sa best offlane heroes sa Dota 2 ngayon si Death Prophet, hindi lang sa pubs kundi sa competitive scene din dahil sa kanyang versatility, survivability at malakas na pushing power.

Ang kanyang ultimate na Exorcism ay pwedeng gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon. Sobrang epektibo nito sa pagkuha ng objectives tulad ng towers at Roshan, pagnakaw ng neutral creep stacks at pagpwersa sa mga kalaban na magsitakbuhan lang pagdating sa mga team fight.

Pinapalamang naman siya ng kanyang Spirit Siphon sa mga trade at sinisiguro na makaka-survive siya hanggang sa dulo ng mga clash. At kapag may Aghanim’s Shard upgrade na, nagkakaroon ito ng extra utility na fear matapos higupan ang kalaban nang tatlong segundo.



Kabilang siya sa pinakamalalakas na offlaners sa ngayon pero pwede rin siyang ilagay mula sa position-2 hanggang sa 5 kaya naman maganda siyang pang-opener sa ranked drafts. Kung kokontrahin siya bilang core, pwede siyang ilagay sa support role.

I-summon mo na si Krobelus at pabagsakin ang mga tore, patumbahin ang mga kalaban at tunawin ang kanilang MMR.


Necrophos

Credit: Valve

Bagamat kulang sa initiation capability, pasok pa rin sa best offlane heroes sa Dota 2 si Necrophos dahil sa kanyang angking kunat at low cooldown healing ability na hindi lang para sa kanya kundi para sa mga kakampi rin.

Mahirap siyang katapat sa lane dala ng kanyang Heartstopper Aura at dahil binibigyan siya nito ng regen, pwede niyang gamitin ang Death Pulse nang paulit-ulit.

Ang Aghanim’s Shard upgrade ni Rotund’jere na Death Seeker ay isa rin sa pinakamalakas sa laro. Pwede itong gamitin bilang offensive o kaya defensive tool. May malupit na offensive synergy din ito sa kanyang Death Pulse at Repear’s Scythe ultimate na pwedeng makapag-burst ng kalaban o makapag-clear agad ng creep waves.

Pagdating naman sa depensa, hinding-hindi kinukulang si Necrophos sa heal dahil sa kanyang Ghost Shroud na dinodoble ang kanyang healing at ginagawa siyang untargetable sa right-click attacks.

Para sa mas marami pang Dota 2 guides tulad nito, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.