Hindi naging kasing dominante tulad ng inaasahan ang bagong hero na si Primal Beast kaya’t naglabas agad ang Valve ng hotfix para dito isang araw matapos itong ipakilala sa Dota 2 patch 7.31.

Bagamat nakasanayan nang maging overpowered ang mga bagong hero, taliwas naman ito para kay Primal Beast. Nagtala kasi ang bagong strength initiator ng sub-40 percent win rate sa lahat ng skill level, noong unang araw nito sa laro ayon sa Dotabuff. Kahit ang mga pro ay nahihirapan pang paganahin ang hero ayon sa Dota 2 Pro Tracker.

Narito ang ginawang remedyo ng Valve para mapalakas ng bahagya ang bagong Dota 2 hero.

Nakakuha ng buffs si Primal Beast sa Dota 2 7.31 hotfix

Primal Beast kinailangan i-buff isang araw matapos ipakilala sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Pinataas ang lahat ng mga numero sa skills ni Primal Beast, lalo na ang Trample.

Noong una, hindi kaaya-aya ang stats ng naturang skill lalo na kung titignan mula sa aspeto ng pag-scale. 10 base damage lang kasi ang nadadagdag dito kada level na pinalalakas ng 40 percent attack damage multiplier. Kung tutuusin, walang dahilan para dagdagan pa ito ng skill point kahit pa ito ang primary source ng damage ni Primal Beast.

Ngayon, 15 damage kada level na ang nadadagdag dito para makalikom ng 65 damage, imbes na 50, sa max level. 21 segundo na lang din ang cooldown nito sa max level at 75 na lang ang mana cost imbes na 105. Pinataas din ang level 20 talent ng hero na bino-boost ang damage multiplier ng Trample.

Salamat sa mga pagbabagong ito, mas consistent na bilang damage dealer si Primal Beast. Mas viable na rin ang pag-prioritize sa Trample para mas mabilis maka-farm ang hero, at maging mas nakakatakot sa team fight.

Inayos din ang turn rate ng hero, run speed ng Onslaught, stack duration ng Uproar, pati na rin ang interaction ng Pulverize ‘pag may cast range items.

Matatagpuan ang buong patch notes dito.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Topson nagpapasiklab na agad gamit ang bagong Techies