Kakalabas lang ng Dota 2 patch 7.31 kung saan tampok ang bagong Techies at tila ‘di na makapaghintay si si Topias Miikka “Topson” Taavitsainen na magpakitang-gilas gamit ang naturang hero.

‘Di naman na bago kay Topson ang gumamit ng mga pambihirang hero sa midlane, kahit pa sa pinakamalalaking Dota 2 tournaments.

Namataan na siyang naglaro bilang Tidehunter, Earth Spirit, Grimstoke, pati Troll Warlord sa mid, at sino ba naman ang makakalimot sa pag-pick niya sa Dawnbreaker sa do-or-die game nila noong The International 10.

Paano nilalaro ni Topson ang bagong Techies?

Topson nagpapasiklab na agad gamit ang bagong Techies
Credit: OG

Rekta Aether Lens ang buo ng dating midlaner ng OG para sa bagong Techies. Makatutulong ang binibigay na mana regeneration ng item para ma-sustain ang pag-spam ng skills, kasama na ang tatlong charges ng Proximity Mines. Sulit din ang dagdag cast range nito dahil ligtas na nakakapagtanim si Topson.

Agad ding in-upgrade ni Topson ang naturang item sa Octarine Core pagkabuo niya ng Kaya. Nagbibigay ang mga ito ng mas malaking mana, cooldown reduction, at mas malakas na damage sa mga skill ni Techies.

At bilang si Topson ang naglalaro, sinunod na niya ang Ethereal Blade. Sakto ito sa Kaya na una niyang binili dahil component na ito ng shotgun matapos ma-rework noong patch 7.31. Nagbibigay na rin ito ng base spell amplification at lifesteal, kaya’t mas sulit na ang active nitong Ethereal Blast.

Pinangko-combo ito ni Topson sa mahuhuling kalaban. Puputukan niya muna ito ng Ethereal Blade para ma-slow at ma-disarm, sabay tataniman ng Proximity Mines sa muka.

Bagamat may disarm na rin ang Reactive Taser, hindi ito kasing dali ipatama o kasing kati gaya ng Ethereal Blast.

Bagamat hindi ganon kadali ang pag-setup ng mga skill ni Techies, dapat naman katakutan ang damage ng mga ito. ‘Di na biro ang potensyal ng hero pag dating sa team fight, lalo na’t kargado na ito ng mga crowd control gaya ng slow, silence, at disarm.

Bagamat may mga argumento pa rin patungkol sa kung pasok pa rin ba ang disenyo ng bagong Techies sa nakalipas nitong gameplay, ‘di maipagkakaila na eksplosibo pa rin ang hero—kahit pa, o lalo na sa midlane.

Mapapanood ang buong stream ni Topson dito. Samantala, mababasa naman ang buong Dota 2 patch 7.31 dito.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 23savage kinumpleto ang Dota 2 roster ng Talon Esports