Si Dawnbreaker ang pinakabagong hero na idinagdag sa Captain’s Mode, ang standard tournament mode ng Dota 2. Pinakilala ang hero noong April 9 ngunit pinayagan lamang sa competitive matches noong September 11 nang ilabas ang patch 7.30c.

Nangangahulugan ito na si Dawnbreaker ay pwedeng laruin sa pinakamalaking torneo ng Dota 2 ngayon taon, ang The International 10. Ang ilang mga professional player ay nagtataka kung balanced na ba ang hero para sa competitive play.


Topson pinakita kung gaano ka-overpowered (OP) si Dawnbreaker

Sa isang pub match kamakailan, pinakita ni OG star midlaner Topias Miikka “Topson” Taavitsainen kung gaano kalakas si Dawnbreaker kapag napunta sa tamang kamay.

Si Valora ay kadalasang nilalaro bilang tanky offlaner o kaya naman support na inuuna ang kanyang mga healing ability.

Sinamantala ni Topson ang durability ni Dawnbreaker habang pinupukpok ang kanyang mga kalaban. Salamat sa Luminosity at Satanic, nagawa ni Topson na makipagsabayan sa tatlong kalaban habang naghihintay ng responde.

Isa sa mga kalakasan ni Dawnbreaker ang kanyang laning flexibility. Ang skill set ni Valora ay kinabibilangan ng stun, slow na nagsisilbi bilang pseudo-blink, passive heal at global heal na nakaka-damage din ng mga kalaban at tini-teleport siya sa isang kakampi sa mapa.

Pinakita ng highlight ni Topson ang hindi pa nabubuksang potensyal ng hero. Nang laruin niya ito sa mid, nag-focus siya sa pag-maximize ng attack speed at damage sa pamamagitan ng pagbuo ng mga item tulad ng Echo Sabre at Assault Cuirass na pinataas rin ang HP niya habang pinapatumba ang mga kalaban.


Miposhka naniniwalang masyado pang maaga ang paglagay kay Dawnbreaker sa Captain’s Mode

Credit: Team Spirit Twitter account

Kamakailan lamang, ibinihagi ni Team Spirit captain-hard support Yaroslav “Miposhka” Naidenov ang kanyang opinyon tungkol sa pagdagdag kay Dawnbreaker sa Captain’s Mode sa pamamagitan ng Twitter. At mukhang hindi niya ito nagustuhan.

Walang sapat na oras para makita kung balanced ba talaga para sa CM ang hero na ito ngayong wala na sa isang buwan bago magsimula ang TI10. Sa ngayon, ang alam lang natin ay isa siya sa mga madalas i-ban sa gumugulong na BTS Pro Series Season 8.

Ang OG at Team Spirit ay parehong sasabak sa The International 10 na lalarga sa ika-7 ng Oktubre.

Base ito sa orihinal na akda ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.