Punong-puno ng surpresa ang bagong Dota 2 7.31 patch, kabilang na ang rework sa napakakontrobersyal na hero na Techies, at ang Aghanim’s Labyrinth boss na naging hero na Primal Beast.

Ngunit marahil ang pinakanakakagulat na pagbabago ay napunta sa tatlong maaasahang items sa Dota 2: Bracer, Wraith Band, at Null Talisman. Matagal na silang bahagi ng game, at bagama’t nabago na rin sila ng ilang beses, nabigyan ng 7.31 ang stats trio ng pinakakakaibang buffs sa kasaysayan ng laro: ang stats nila ay dumodoble matapos ang 25 minutes.

Bakit overpowered ang Bracer, Writh Band, at Null Talisman?

Dota 2 Bracer, Wraith Band, Null Talisman
Credit: Valve

Sa Dota 2, hindi nagkakaron ng linear scale sa cost ang mga items. Ang Ironwood Branch, na nagbibigay ng +1 sa lahat nang stats kapalit ng 50 gold, ay isa sa pinaka cost-efficient items per stat sa game. Kumpara sa Ultimate Orb na 42 times na mas mahal, na nagbibigay ng 10 times ng stats para sa 2,100 gold.

Ang tatlong accessories na ito ay nagbibigay ng malaking value dahil napakasulit ng mga ito – ngunit nagiging mas mahalaga sila pag patak ng 25 minutes. Kahit ang mga core players ay may isa o dalawang bakanteng slots matapos ang 25 minutes.

Ang Bracer ay nagbibigay ng 200 health, 50 lang ang pinagkaiba sa Vitality Booster, at ang mga strength heroes ay nakakatanggap ng 16 damage mula sa pinagsamang strength at damage. Sa puntong ito, ang bawat strength offlaner ay gugustuhing magkaron ng kahit isang Bracer na bubuo sa kanyang early-game build – na mas lalakas pa pag tumagal.

Ang Wraith Band ay nagbibigay ng 20 attack at mahigit 5 armor matapos ang 25 minutes. Maganda itong unang item para sa maraming agility carries, pero itinuturing na mas maganda sa mga low-armor strength carries na nangangailangan ng supplement sa kanilang survivability at farming speed.

Pero sa lahat nang naglalakasang items na ito, nangingibabaw ang Null Talisman. Kahit pagkatapos ng mga nerf na ibinigay sa Null Talisman noong 7.31b, ang intelligence counterpart ang pinaka malakas sa tatlo. Bukod sa mamahaling late game option na Arcane Blink, wala nang ibang item ang nagbibigay ng mana cost reduction. Napakabisa nito para sa mga spellcasters, na gusto ng extra mana na galing s intelligence, mana regeneration, at mana cost redusction – triple whammy talaga sa stats.

Hindi magandang ideya na mag-stack ng lima ng mga items na ito, dahil mawawalan ka ng utility mula sa mga items tulad ng Eul’s Scepter at Orchid Malevolence. Pero siguradong makakabuti para sa iyo at sa iyong lane ang pagkakaroon ng dalawa ng mga items na ito – at makatanggap ng magandang boost sa pagtagal.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.