Pasok muna ang mga retiradong manlalaro na sina Ceb at N0tail sa roster ng OG para sa ESL One Stockholm 2022, ang unang Major tournament ng kasalukuyang Dota Pro Circuit.

Inanunsyo ito ng koponan isang araw bago magsimula ang group stage ng naturang turneo. Anila, hindi raw na-aprubahan ang visa ng kapitan na si Misha at coach na si Chuvash. 

Dahil dito, pupunan muna ni Ceb ang puwesto ng hard support, habang magsisilbing coach naman si N0tail.

Ceb at N0tail sasabak sa ESL One Stockholm 2022

Ceb at N0tail, papalit sa mga OG members na hindi makakadalo sa Stockholm Major 2022
Credit: Valve

Ito ang unang pagkakataon na muling sasabak sa propesyunal na lebel sina Ceb at N0tail simula noong magdesisyon silang mag-retire pagkatapos ng The International 2021.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Ceb ang kanyang pagkadismaya sa sitwasyon nina Misha at Chivash. Sa kabila nito, nanindigan siyang gagawin niya ang kanyang makakaya bagamat inamin niyang hindi ito magiging madali.



Ito rin ang unang beses na naka-qualify ang OG sa isang Major tournament simula noong maimplementa ang bagong format ng Dota Pro Circuit noong nakaraang taon. Pinangibabawan ng koponan ang upper division ng DPC Western Europe Tour 2 matapos magtala ng anim na panalo at isang talo.

Sa Stockholm Major 2022, ilan sa mga kasama ng OG sa kanilang grupo ang BOOM Esports, second-placer ng DPC Southeast Asia, Evil Geniuses, kampeon ng DPC North America, at BetBoom Team, na kampeon naman ng DPC Eastern Europe.

Gaganapin ang ESL One Stockholm Major 2022 simula ika-12 hanggang ika-22 ng Mayo. Nakataya dito ang kalahating milyong piso na prize pool maging ang 3,530 DPC points.

Ang roster ng OG sa ESL One Stockholm 2022

Ceb at N0tail, papalit sa mga OG members na hindi makakadalo sa Stockholm Major 2022
Credit: OG
  • Artem “Yuragi” Glubiev
  • Bozhidar “bzm” Bognadov
  • Ammar “ATF” Al-Assaf
  • Tommy “Taiga” Le
  • Sébastien “Ceb” Debs
  • Coach: Johan “N0tail” Sundstein

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Dota 2 patch 7.31c, inilabas ng Valve bago ang Stockholm Major