Balanse ang naging layunin ng bagong Dota 2 patch 7.31c na inilabas ng Valve ilang araw bago ang unang Major tournament ng kasalukuyang Dota Pro Circuit.

Pinahina nito ang mga item, hero, at neutral creeps na humubog sa meta noong nagdaang patch, habang binigyan naman ng bahagyang upgrade ang mga na-etsa-puwerang elemento.

Narito ang ilan sa mga pinakamalalaking pagbabago sa Dota 2 patch 7.31c.


Harpy Scout at Dark Troll Summoner, pinahina sa Dota 2 patch 7.31c

Dota 2 patch 7.31c, inilabas ng Valve bago ang Stockholm Major
Credit: Valve, ONE Esports

Noong nakaraang patch, naging pangunahing target ng mga hero na kayang makakuha ng neutral creep. Sa pag bagsak ng 7.31c, tiyak na magbabago na ‘to—lalo na para sa Harpy.

Halos doblado ang itinaas ng Take Off mana cost para sa Harpy Scout. Ibig sabihin, hindi na gagana ang pagiging permanent flying ward nito, kung gagamitin bilang Helm of Dominator creep.

Hindi rin pinaglagpas ng Valve na i-nerf ang vision range nito mula sa 1800/1800 na day/night vision, na 1200/800 na lang ngayon. Mas crucial na dapat ang positioning nito ngayon para mapagana nang mas maayos.

‘Di tulad ng Harpy Scout, tila mas magaan naman ang mga nerf na natanggap ng Dark Troll Summoner. Madalas gamitin ang Raise Dead ng neutral creep na ‘to para pang-pressure ng towers kaya’t ito ang tinarget ng Valve sa Dota 2 patch 7.31c.

Vladimir’s Offering at upgrades nito, pinalakas ng Valve

Sa likod ng mga nerf sa mga sikat na items gaya ng Desolator, Spirit Vessel, at Satanic, nakatanggap naman ang Vladimir’s Offering at ang upgrade nitong Wraith Pact, ng buff.

Mas mura na ng 150 gold ang Vladimir’s Offering, na pwedeng i-upgrade sa Helm of the Overlord at Wraith Pact. Pinataas din ang lifesteal at mana regen aura ng parehong upgraded items, pati ang damage reduction at damage-per-second ng active skill ng Wraith Pact na Wraith Reprisal.


Meta heroes gaya nina Death Prophet at Tiny, ‘di nakaligtas

Dota 2 patch 7.31c, inilabas ng Valve bago ang Stockholm Major
Credit: Valve

Bagamat walang malakihang pagbabago ang naitala dahil sa paparating na Stockholm Major na gaganapin simula sa ika-12 ng Mayo, nakatanggap naman ng malaking nerf si Death Prophet.

Bawas nang kalahati ang damage ng Exorcism nito sa mga building, matapos maging doble ang damage nito sa isang hindi dokumentadong pagbabago. Bagamat parang inayos lang ng Valve ang naunang update, bawas pa rin ang kakayahan ng hero pagdating sa pag-push.

Pinahina rin ang damage ni Tiny sa bagong Dota 2 patch. Mas mababa na ang damage ng Tree Grab sa building, at pinababa rin ang bonus na natatanggap ng hero sa ultimate nitong Grow. Pinabagal din ang timing ng carry matapos ilipat ang +40% Grow Damage with Tree Talent nito sa Level 20, mula Level 15.

Nakatanggap din ng nerf si Primal Beast, bagamat hindi pa idinagdag sa Captain’s Draft para sa paparating na Stockholm Major.

Bukod sa mga ‘to, pinahina rin ng bahagya sina Sand King at Necrophos, dalawa sa pinakamalakas na offlaners noong nakaraang patch, maging sa Pugna, na nagibabaw bilang defensive support.


Matatagpuan ang kumpletong patch notes ng 7.31c dito.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano makita ang iyong post-game stats sa Dota 2