Hindi aalis si Topias “Topson” Taavitsainen ngayong 2024. 

Muling kasama ng two-time The International winner ang Tundra Esports, at kumpirmado bilang midlaner ng Western European organization

Kumpirmado na rin ang support duo ng Tundra – sina Edgar “9Class” Naltakian at Matthew “Whitemon” Filemon, bilang position four at five.



Topson nagbabalik sa Tundra Esports Dota 2 roster para sa 2024 

Dota 2 Whitemon Topson
Credit: Valve
  • Topias “Topson” Taavitsainen 
  • Edgar “9Class” Naltakian 
  • Matthew “Whitemon” Filemon 

Dati nang sumali si Topson sa team bilang emergency replacement ni Martin “Saksa” Sazdov, at naglaro para sa TI11-winning roster ng Tundra sa loob ng isang tournament, TI12. Maliban kay Topson, naghiwalay na ang team.

Umalis sina Leon “Nine” Kirilin at Kurtis “Aui_2000” Ling sa team, si Neta “33” Shapira ay nasa Team Liquid na, habang si Oliver “skiter” Lepko at Jingjun “Sneyking” Wu ay lumipat sa Team Falcons. 

Habang hindi naman talaga umalis ng Tundra ang 25-year-old, hindi siya naging parte ng unang roster ng organisasyon para sa 2024, noong sinakop nila ang dating TSM at Team Undying roster para sa ESL One Kuala Lumpur.

Simula noon ay nagbitiw ang Tundra ng apat pang players at ng coach mula sa roster na ito, at nanatili si Matthew “Whitemon” Filemon bilang position five. Ito ang magiging reunion nina Whitemon at Topson, na nagsamang maglaro sa T1 banner sa TI11. 

Si Edgar “9Class” Naltakian ang pinakabagong pangalan sa roster, na nagsimula lamang ng kaniyang professional career noong Disyembre 2022. Dating naglaro ang 20-year-old para sa Team Bear at Team Sexy, at ngayon ay magiging bagong soft support ng Tundra sa bagong season. 

Kailangan pa ng dalawa pang core players ang Tundra para sa makumpleto ang kanilang roster. At dahil kumpirmado na ang org para sa BetBoom Dacha Dubai WEU qualifiers simula Enero 11, mukhang makikita na natin ang full lineup ng team bago ito magumpisa. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2

BASAHIN: Mananatili ang ESL Pro Tour para sa Dota 2 – at anim pang kompetisyon ang inanunsyo