Isang linggong kompetisyon at dalawang talo, muling umarangkada ang Team Spirit sa kanilang championship form bago magsimula ang The International ngayong Oktubre.

Winasak ng Eastern European squad ang Shopify Rebellion sa grand final ng DreamLeague S21 at nanalo ng US$300,000 (o mahigit PHP17 milyon) matapos ibulsa ang US$5 milyon (nasa PHP283 milyon) sa Riyadh Masters noong Hulyo.



Team Spirit tagumpay sa grand final ng DreamLeague S21 kontra Shopify Rebellion

Dota 2 Team Spirit DreamLeague S21
Credit: ESL

Dalawang linggo bago mag-umpisa ang TI12, pinatunayan ng Team Spirit na wala silang katumbas sa DreamLeague S21. Isa lamang ang kanilang talo sa group stage, at isang talo naman sa playoffs laban sa Shopify sa upper bracket finals, bago magwagi sa grand finals.

Sa kabila ng record Major wins ng Gaimin Gladiators, nagmukhang uulitin ng mga TI10 kampeon ang pagbuhat sa Aegist of Champions.

Matindi ang Game 1, ngunit walang pagdududa sa Phantom Lancer ni Yatoro 

Nakita sa Game 1 ang lakas ng Shopify Rebellion sa laning stage sa kanilang mga picks, tulad nina Enchantress at Templar Assassin sa top lane, pati na rin si Beastmaster at Shadow Demon sa bot lane. Kahit ang Invoker ni Abed “Abed” Yusop ay napakahusay laban sa Earth Spirit ni Denis “Larl” Sigitov.



At kinailangan nila ito – umasa ang team sa kanilang early push gamit ang Templar-Enchantress-Beastmaster trio para mapatay ang creeps at pagbawas ng armor. Ngunit iba ang plano ng Spirit, matapos nilang kunin ang laro sa pamamagitan ng mahuhusay na team fights mula sa kanilang mga malalakas na initiators, tulad nina Earth Spirit, Centaur Warrunner, at Phoenix.

Bagaman nanguna ang Shopify Rebellion, naibaliktad ng Spirit ang laro lalo na noong nag-online na ang Phantom Lancer ni Illya “Yatoro” Mulyarchuk. Umabot ng mahigit 60 minuto ito bago natapos, at tuluyan nang nakuha ng EEU squad ang first blood sa serye.


Team Spirit, dominado ang Game 2 at 3 

Sa pangalawang laro, winasak na ng Team Spirit ang Shopify Rebellion.

Ngayon naman ay ang Enchantress ni Yaroslav “Miposhka” Naidenov ang naging krusyal na aspeto ng midlane matchup sa pagitan ng Kunkka ni Larl at Earthshaker ni Abed, matapos makakuha ito ng tatlong kills kay Abed sa unang 12 minuto ng laro.

Si Earthshaker, na dinisenyo para manguna sa early game tempo, ay naiwan para mag-farm at kumuha ng kills, habang ang Terrorblade ni Yatoro ay madaliang nakipagsabayan sa Gyrocopter ni Artour “Arteezy” Babaev, na nahirapan magdulot ng damage sa buong laro.



Sa huli, si Terrorblade ang naging big bad carry ng laro. Dahil hindi na nakayanan ng NA team ang uber-farmed Terrorblade na nag-push sa high ground, tuluyang sinara ni Yatoro ang game para sa match point.

Nilabas ng Shopify si Alchemist bilang huling sugal, at pati na rin si Storm Spirit ni Abed sa Game 3.

Ngunit nakuha ng Faceless Void ni Yatoro ang first blood sa Night Stalker ni Jonáš “SabeRLight-” Volek, at sinundan ito ng tatlo pang kills, sa kabila ng pagsisikap ni SabeRLight. At dahil dito, nakipaglaban ang Void ni Yatoro sa Alchemist ni Arteezy, isang masaklap na sitwasyon para sa carry ng Shopify.



Habang sinubukan humabol ng Shopify gamit ang kanilang mga agresibong galaw sa Storm Spirit-Keeper of the Light combo, nangibabaw pa rin ang Spirit. Naging krusyal ang Dawnbreaker ni Magomed “Collapse” Khalilov gamit ang kaniyang global ulti na Solar Guardian, at nagpakita rin ng mahusay na performance ang Earth Spirit ni Larl sa bawat teamfight.

Ngunit sa huli, naging bida pa rin si Yatoro sa dulo. Sa bawat Chronosphere niya, nasigurado nito na mananaig ang kanyang koponan.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: OG muling kinuha si MinD_ContRoL para sa DreamLeague S21