Mas pinapalakas ng The International defending champions ang kanilang roster sa kanilang pagdagdag ng hindi one-time, ngunit two-time TI winner—si Topson.

Ang Tundra Esports, na nanalo sa TI11 noong nakaraang taon, ay opisyal na dinagdag si Topias “Topson” Taavitsainen bilang kanilang bagong midlaner, ayon sa isang opisyal na press release mula sa Western Europe na organisasyon.

Ito ay matapos nilipat si Martin “Saksa” Sazdov sa inactive roster. Ang support player ay umano’y “taking an extended break due to health reasons,” ayon sa opisyal na anunsyo ng Tundra.



Tundra Esports idinagdag si Topson sa kanilang Dota 2 roster  

Dota 2 Topson TI10
Credit: OG
  • Oliver “skiter” Lepko 
  • Topias “Topson” Taavitsainen 
  • Neta “33” Shapira 
  • Leon “Nine” Kirilin 
  • Jingjun “Sneyking” Wu 
  • Kurtis “Aui_2000” Ling (coach) 

Ang OG stint ng sikat na midlaner ay talagang malaalamat — sa kabila ng pagiging ‘di kilala sa simula ng kanilang kampanya, naging krusyal ang kaniyang midlane skills sa dalawang magkasunod na panalo nila sa TI8 at TI9, at isa pang top half finish sa TI10.

Sinubukan ni Topson manalo para sa Old G ngayong season, ngunit hindi sila nagwagi sa Division 2 sa Tours 2 at 3. Matapos mag-split ng roster sa ibang teams para sa Regional Qualifiers, umalis si Topson nang walang team.

Credit: Valve

Bagamat wala siya sa spotlight kamakailan, napatunayan na ni Topson na isa siya sa pinaka-agresibong midlaners ng mundo. Swak siya sa playstyle ng Tundra na gumagamit ng esoteric hero pool at ganking skills ni Nine.

Makikita natin siya sa bagong roster sa DreamLeague S21, kung saan naka-schedule lumahok ang Tundra.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2

BASAHIN: May mga malaking pagbabago na darating sa The International format kasabay ng TI12