Magkakaroon ng pagbabago sa OG sa kanilang offlane para sa darating na ESL DreamLeague Season 21.

Mapupunta si Dmitry “DM” Dorokhin sa inactive roster, habang si Ivan “MinD_ContRoL” Ivanov ng Nigma Galaxy ay mag-i-stand in sa DreamLeague, inanunsyo ng organisasyon kahapon.

Ito na ang ikalawang kampanya ni MinD_ContRoL kasama ang pamosong koponan ngayong season. Ang NGX offlaner ay sumali sa koponan noong Mayo bilang substitute sa Berlin Major, at tinulungan niya ang koponan na makapagtala ng top 6 finish.



OG idinagdag si MinD_ContRoL sa kanilang Dota 2 roster para sa DreamLeague S21

OG roster para sa ESL DreamLeague Season 21
Credit: OG
  • Artem “Yuragi” Golubiev
  • Bozhidar “BZM” Bogdanov
  • Ivan “MinD_ContRoL” Ivanov
  • Sébastien “Ceb” Debs
  • Kartik “Kitrak” Rathi

Sa kabila ng ilang last-minute roster changes — kabilang na ang pagbalik ng team legend na si Sébastien “Ceb” Debs — hindi naka-qualify ang two-time TI champion org sa The International 2023.

Ang pag-loan kay MinD_ContRoL ay parte lang ng ilang loan moves na ginawa ng Nigma Galaxy ngayong season. Naglaro si Maroun “GH” Merhej para sa Team Liquid, si Ammar “ATF” Al-Assaf para sa Quest Esports, si Amer “Miracle-” Al-Barkawi para sa Shopify Rebellion, at si Sumail “SumaiL” Hassan para sa Team Aster at Team Secret.

At dahil parehong hindi kasali ang OG at Nigma sa TI, anumang roster moves sa pagitan ng dalawang organisasyon sa hinaharap ay maaaring magtagal hanggang sa pagtatapos ng torneo.

Dagdag pa rito, ngayong binuwag na ang DPC, ang mga kasalukuyang patakaran sa roster change ay maaaring magbago.

Gayunpaman, makikita natin si MinD_ContRoL — na sinabihan na “play like Ceb” noong TI19 True Sight Documentary — ay makakalaro kasama si Ceb sa ESL DreamLeague Season 21 simula sa ika-18 ng Setyembre.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2

BASAHIN: Para sa ikatlong TI kampeonato: Topson opisyal na sumali sa Tundra Esports