Napakahalaga ngayon ng group stage ng Dota 2 The International kumpara sa mga nakaraang events — at magiging pasabog ang simula nito.

Sa wakas ay inanunsyo na ang TI12 group stage sa isang post ni Wykrhm Reddy, kung saan ang 20 koponan sa kompetisyon ay nahati sa apat na magkakaibang grupo.

Ito ay labis na naiiba sa nakasanayan nating group stage — at hindi magtatagal, apat na koponan ang malalaglag.



Group stage ng TI12: Mukhang patas naman sa simula

TI12 group stage teams

Group A

  • 9Pandas
  • Entity
  • Evil Geniuses
  • Team SMG
  • Team Spirit

Group B

  • Azure Ray
  • BetBoom Team
  • Shopify Rebellion
  • Team Liquid
  • Thunder Awaken

Group C

  • beastcoast
  • Gaimin Gladiators
  • LGD Gaming
  • nouns
  • Virtus Pro

Group D

  • Quest Esports
  • Talon Esports
  • TSM
  • Tundra Esports
  • Vivo Keyd Stars

Sa unang tingin, tila pantay-pantay ang bawat grupo. Ang tatlo sa sinasabing pinakamalalakas na koponan sa mundo ngayon — Gaimin Gladiators, Team Liquid, at Team Spirit — ay makikita sa tatlong magkaibang grupo, at ang mga defending champions na Tundra Esports ay nasa kanilang sariling grupo, kaya’t malaki ang kanilang tsansa para sa mga susunod na kaganapan.

Sa binagong TI12 group stage, limang koponan sa bawat grupo ay maglalaban sa isang best-of-two, single round-robin, at ang nasa pinakababa ng standings ay matatanggal — at ito’y sa unang bahagi pa lang.

Sa ikalawang bahagi, ang dalawang pinakamagagaling na koponan mula sa bawat grupo ay lalaban sa ikatlo at ika-apat na koponan mula sa kabilang grupo. Ito’y best-of-three, at magtatakda ng bracket placement para sa main event.

TI12 group stage format
Credit: Valve

Dalawampung koponan ang maglalaban sa loob ng apat na araw, mula October 12 hanggang 15 — bago tuluyang maiwan ang matitirang 16 koponan na maghahanda para sa playoffs.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang mga kwento tungkol sa gaming at esports.

BASAHIN: Valve naglabas ng Dota 2 patch bago magsimula ang TI12