Hindi maghahatid ng malaking pagbabago ang Dota 2 patch 7.34d, ngunit maaring magkaroon ng mas mainam na meta sa The International 12 dahil dito.

Mayroong mga minor number adjustments sa mga pinakamalakas at pinakamahinang heroes at items ang bagong patch ng Dota 2, habang kalahati ng hero pool ay hindi nakatanggap ng mga pagbabago.



Ang pinaka-malaking nerf ng Dota 2 patch 7.34d ay maaring para sa pinaka-abusadong neutral item

Dota 2 patch 7.34d
Credit: Valve

Ang mga heroes na nangibabaw sa DreamLeague S21, na nagtapos noong September 25, tulad nina Phantom Assassin, Gyrocopter, at Pangolier ay natamaan ng kaunting nerfs. Habang makakakita rin tayo ng kaunting buffs para sa mga hindi kadalasang ginagamit na heroes tulad nina Ogre Magi, Magnus, Spectre, at Abaddon.

Ang pinakakapansin-pansin na pagbabago sa buong Dota 2 patch 7.34d ay para sa Ninja Gear, ang tier four neutral item na masasabing pinaka-abusadong item sa buong laro. Maari kang makapag-cast ng Smoke of Deceit sa sarili mo gamit ang Ninja Gear para makagalaw at makapag-farm ang mga piling heroes nang ligtas sa mapa.

May pasilip kay Terrorblade ang trailer ng DOTA Dragon's Blood season 3
Credit: Netflix

Nakatanggap ito ng isang major cooldown nerf, mula 45 segundo, naging 60 segundo na ito, at tinanggal na rin ang Smoke kapag nawalan ng Ninja Gear ang hero – para pigilan ang mga heroes sa paggamit nito at paglagay nito sa kanilang backpack.

Sa lahat lahat, hindi gaanong exciting ang Dota 2 patch 7.34d – ngunit sa darating na TI12, mas mainam nang maiwan sa tournament ang excitement. Sana ay makatulong ang mga minor na pagbabago na ito sa pag-stabilize ng hero power levels sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon, na nakalaan ganapin mula October 12 hanggang 29.

Basahin ang buong 7.34d patch notes dito.

Sundan ang ONE Esports Philippine sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Manalo ng hanggang isang taon na Dota Plus sa ONE Esports TI12 Pick `Em Challenge