Oras na para sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon.

Magbabalik na ang The International 12 sa Seattle ngayong taon. Mula Oktubre 12 hanggang 29, makikita nating maglalaban-laban ang 20 teams para sa ultimate prize ng Dota 2 – ang Aegis of Champions.

Ngunit hindi mo kailangan manood lamang – sumali na sa ONE Esports TI12 Pick’Em Challenge, kung kaya mong mahulaan ang team na mananalo.

Makakatanggap ng 12-month Dota Plus subscription ang mga mananalo.



Paano laruin ang ONE Esports TI12 Pick ’Em Challenge

Dota 2 The International Aegis
Credit: Valve

Para makapaglaro, sagutin lamang ang mga tanong na ‘to.

  • Aling 4 na teams ang makakapasok sa top four? (300 points kada tamang hula)
  • Aling 2 teams ang makakapasok sa Grand Finals? (200 points kada tamang hula)
  • Anong team ang magiging The International 2023 Champion? (500 points)
  • Sinong hero ang magiging most picked sa tournament? (1,000 points)

Bawat tamang hula ay may katumabs na puntos. Ang layunin ng challenge ay maka-score ng pinaka-maraming puntos.

Tiebreaker rules

Kung mayroong maraming players na may parehas na halaga ng puntos, mapapasya ito ng tiebreaker ayon sa oras ng pagsali mo sa challenge.

Ang player na mas naunang sumali ang mananalo sa tiebreaker.

Ano ang premyo?

Lahat ng players ay makakatanggap ng Dota Plus subscriptions, ngunit maiiba ang tagal nito. Narito ang prize breakdown:

  • 1x Grand winner: 12-month subscription
  • 5x Tier 1 winners: 6-month subscription
  • 10x Tier 2 winners: 1-month subscription

Handa ka na ba piliin ang iyong mga winners? I-click ito para sumali sa ONE Esports TI12 Pick’Em challenge mula Oktubre 5 hanggang 11.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: May mga malaking pagbabago na darating sa The International format kasabay ng TI12