Ilang linggo na ang nakalipas simula noong ipakilala ng Valve si Primal Beast bilang ang bagong Dota 2 hero.
Matapos bigyan ng ilang buff dahil sa mababa nitong win rate, na-establish na ng hero ang kanyang sarili bilang mabisang initiator na may disenteng damage output.
Gaya ng mga bagong hero, kinailangan pageksperimentuhan ang role, skills, at item build ni Primal Beast.
Sa tulong ng Dota2ProTracker, napag-alaman naming tila nasemento na ng mga pinakamagagaling na Dota 2 pro ang item build ni Primal beast.
Ang pinakamabisang item build ni Primal Beast

- Phase Boots/Tranquil Boots/Boots of Bearing
- Bracer/s
- Soul Ring
- Tank item (Hood of Defiance, Vanguard, Sange, atbp.)
- Blink Dagger
- Black King Bar
- Luxury/Utility (Lotus Orb, Shiva’s Guard, Overwhelming Blink, atbp.)
Phase Boots para sa mga core, Tranquil Boots papuntang Boots of Bearing para sa mga support
Kadalasang Phase Boots ang buo ng mga pro kung lalaruin nila bilang core hero si Primal Beast, habang Tranquil Boots naman, na pwedeng i-upgrade sa Boots of Bearing, kung support.
Para sa hero na may pinakamataas na strength gain sa laro, hindi na problema ang HP para sa hero. ‘Di rin ‘to madalas pumalo dahil sapat na ang skills niya para sa mga damage. Dahil dito, hindi masyadong mapapakinabangan ang attack speed at attributes na naibibigay ng Power Treads.
Nakasasalay din sa kung gaano kalayo ang iginalaw sa DPS ng Trample kaya’t mas mabisang choice ang Phase Boots sa item build ni Primal beast
Nagbibigay ito ng dagdag movement speed na pwedeng i-timing nang maayos para mang-araro ng kalaban. Samantala, solid naman ang immunity sa slow na naibibigay ng Boots of Bearing lalo na’t nakadepende ang hero sa kanyang paggalaw.
Bracer

Naging isa sa mga pinaka-efficient na item ang Bracer sa paglapag ng Dota 2 patch 7.31.
Nadodoble na kasi ang mga ibinibigay nito pagkatapos ng ika-25 minuto, kaya’t mas sulit nang bumili ng higit sa isa nito para pangpakunat. Pwede na rin itong hindi ibenta agad lalo na kung iko-consider ang farm priority ni Primal Beast.
Soul Ring
Soul Ring ang sagot sa mana problem. ‘Di na rin problema ang HP na nawawala sa pag-gamit ng Sacrifice dahil sa kapal ng buhay ni Primal Beast.
Magandang bagay din na isa sa mga component nito ang Ring of Protection, ang isang item na nakapagbibigay ng dagdag armor na nakatutulong sa survivability sa early game.
Tank item
Maaaring optional ang mga pagpipilian dito ‘to lalo na’t nakadepende ito sa sitwasyon sa laro.
Kaya’t kung kakailanganin, magandang item para kay Primal Beast ang Hood of Defiance, laban sa burst magic damage, o Vanguard, kontra right-clickers, o Sange, kung sakaling puno ng crowd control ang kalaban.
Pwede rin i-upgrade ang lahat ng mga item na ‘to, lalo na ang Sange, na pwedeng ipares sa Kaya, Yasha, o gawing Heaven’s Halberd.
Blink Dagger
Kahit pa maituturin nang initiation skill ang Onslaught, hindi pa rin matatawaran ang bisa ng Blink Dagger kaya’t hindi ito maaaring maalis sa item build ni Primal Beast.
Mabagal din kasi ang charge-up time ng nasabing skill, kaya’t hindi ito magiging ganoon kabisa lalo na pagkatapos ng early game kung kailan mas madalas na ang bakbakan at may item na ang mga kalaban.
Sa tulong ng Blink Dagger, maaaring Pulverize na ang ipang-initiate. ‘Di rin malabo na target-in ka ng kalaban kung gagawin ito, bagay na makatutulong naman para magpatong-patong ang stacks ng Uproar.
Black King Bar
Siyempre, bilang initiator ng isang koponan, matik na dapat ang Black King Bar para sa item build ni Primal Beast.
Lahat kasi ng skills ng hero ay maaaring ma-interrupt ng disable. Mas madaling gampanan ang tungkulin ng pagiging initiator kung hindi na magiging problema ang stuns, slow, o silence na maaring ibato pagka-Blink in mo.
Luxury/Utility
Game-changing ang mga luxury o utility item gaya ng Lotus Orb o Shiva’s Guard lalo na laban sa tamang lineup. Pwede rin ang Overwhelming Blink para masulit ang damage na naibibigay ng active ability nito.
Pwede rin i-consider ang Octarine Core para sa item build ni Primal Beast para ma-improve ang cast range at mapadalas ang paggamit ng abilities.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: