Shoutout sa mga Marci stans! Ang best girl ng DOTA: Dragon’s Blood ang bagong Dota 2 hero.

Ibinunyag ito noong ikalimang araw ng The International 10 main event pagkatapos walisin ng PSG.LGD ang Team Secret sa upper bracket final.

Si Marci ang ika-122 hero sa laro at ang ikalawang hero na madadagdag ngayong taon, kasunod ni Dawnbreaker na inilabas noong ika-28 ng Setyembre.

Si Marci ang bagong Dota 2 hero

Si Marci, ang bagong Dota 2 hero
Credit: Valve
Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports

Makikilala ng mga nakapanood ng DOTA: Dragon’s Blood na palabas si Marci bilang ang pipeng bodyguard ni Mirana.

Ayon sa trailer, nakatakdang idagdag sa Dota 2 roster si Marci sa Fall, o taglagas sa ibang bansa na tumatagal hanggang Disyembre.

Sa unang sulyap, mukang melee hero si Marci na may mataas na physical damage. Meron ding ipinakitang sandali kung saan umilaw ang mata at kamao nito bago sapakin ang malaking kalaban, na maaaring skill niya sa laro.

Paano napadpad sa Dota 2 si Marci mula sa anime

Bagamat hindi siya ang main character sa Netflix anime at wala siyang linya, madaling nakapagtayo ng fanbase si Marci dahil sa kanyang loyalty at nakaka-aliw na emosyon.

Kasabay ng bagong Dota 2 hero, inanunsyo rin ng Valve ang bagong season ng Netflix DOTA: Dragon’s Blood. Itutuloy nito ang paglalakbay nina Mirana at Davion, kasabay ng bagong karakter na si Lina.

Hungry for more Dota 2 action? Check out the Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.

BASAHIN: Bakit tila unbeatable ang PSG.LGD sa TI10