Sa Team Liquid naman babandera ang dalawang dating miyembro ng Team Secret na sina Lasse “Matumbaman” Urpalainen at Ludwig “zai” Wahlberg para sa susunod na season ng Dota Pro Circuit.

Matapos ang naunang balita ng Team Liquid ukol sa paglipat ni zai, sumunod namang inanunsyo ng koponan ang pagbabalik ni Matumbaman.

Matatandaang sa ilalim ng organisasyon nakuha ni Matumbaman ang una niyang Aegis of Champions matapos magtagumpay sa The International 2017 kasama sina Amer “Miracle-” Al-Barkawi, Ivan “MinD_ControL” Ivanov, Maroun “GH” Merhej, at Kuro Salehi “KuroKy” Takhasomi.

Matumbaman at Kuroky
Credit: Valve

Dahil kina Matumbaman at zai, Team Liquid may anim na miyembro na

Sa kabila ng anunsyo ng Team Liquid sa mga nadagdag nilang miyembro, nagtataka na ngayon ang fans kung pano gagana ang roster ng koponan.

Sa ngayon kasi, may anim na miyembro ang kanilang Dota 2 team. Bagamat tatlong miyembro pa lang ang naka-register para sa Dota 2 2021-2022 Dota Pro Circuit, sina Aydin “iNsania” Sarkohi, Michael “m1CKe” Vu, at zai, pala-isipan pa kung sino kina m1CKe o Matumbaman ang magiging carry ng koponan.

Credit: Micke

Kasalukuyang Dota 2 roster ng Team Liquid

  • (1) Michael “miCKe” Vu
  • (1) Lasse Aukusti “MATUMBAMAN” Urpalainen
  • (3) Ludwig “zai” Wahlberg
  • (3) Samuel “Boxi” Svahn
  • (4) Tommy “Taiga” Le
  • (5) Aydin “iNSaNiA” Sarkohi (captain)
  • William “Blitz” Lee (coach)

Dahil sa pagpasok nina Matumbaman at zai, may dalawang carry at offlaner players na ngayon ang Team Liquid.

Samantala, mapapanood ang opisyal na announcement ng Team Liquid sa pagbalik ni Matumbaman dito.

BASAHIN: Bagong Dota 2 roster ng TNC Predator inilabas na