Ipinakilala ng OG Esports si Mikhail “Misha” Agatov, ang bagong head coach na tutulong sa koponan upang makuha ang Aegis of Champions sa ikatlong sunod na beses sa The International 2021.

Ang naturang coach ay dating parte ng Team Spirit bilang hard support player. Ito ang una niyang sabak sa pagiging coach.

Bagong OG Esports coach, sinikreto muna

OG Esports Coach: Mishka
Credit: Mars Media

Bagamat kamakailan lang inanunsyo na si Misha ang bagong OG Esports coach, matagal-tagal na pala nila itong kasama.

Nang matapos ang ikalawang season ng Dota Pro Circuit ngayong taon, na-uwi sa ika-anim na puwesto ang koponan kaya’t napagdesisyunan nilang manghingi ng dagdag tulong. Ibinahagi ni Johan “N0tail” Sundstein ang kanyang palagay sa bago nilang coach sa opisyal na website ng OG Esports.

“It has been great having you around since the close qualifiers. You deserve a lot of credit for the transformation the teams have gone through,” sulat ni N0tail. “We are very grateful for the last few months of work, but the most fun is still ahead of us! An honor to go to TI with you!”

Sa kabila nito, mananatili naman si Titouan “Sockshka” Merloz bilang assistant coach ng koponan.

Magsisimula ang The International 2021 sa ikapito ng Oktubre.

BASAHIN: TI10 ticket sales kinansela; live audience, bawal na