Isa si Johan “N0tail” Sundstein ng OG sa mga batikang personalidad sa larangan ng esports. Bukod kasi sa pagiging long-time Dota 2 legend, siya rin ang nagsilbing kapitan ng unang koponang nag-angat ng Aegis of Champions sa dalawang magkasunod na pagkakataon.

Bago tuluyang depensahan ng OG ang kanilang titulo sa The International 10, nakapanayam muna ng ONE Esports ang batikang manlalaro tungkol sa mga koponang lalahok sa prestihiyosong palaro.

Ang dalawang teams na inaabangan ni N0tail sa The International 10

Team Secret, ang koponang nais makaharap ni N0tail sa The International 10.
Credit: Team Secret

Ibinunyag ng 27-taong-gulang na manlalaro na bagamat nirerespeto niya ang lahat ng koponang tatampok sa Dota 2 world championship, may iilan na excited daw siyang makaharap.

Team Secret has been quiet lately, but I always wanted to play against them,” sabi ni N0tail. “The other team is definitely PSG.LGD. They have a lot of cool vibes when you watch them play.”

PSG.LGD, ang koponang nais makaharap ni N0tail sa The International 10.
Credit: WePlay AniMajor

Pinangibabawan ng PSG.LGD ang mga nagdaang turneo patungong The International 10. Kabilang dito ang WePlay AniMajor, ang SAPPHIRE OGA Dota PIT Invitational, pati na rin ang OGA Dota Pit Season 5.

Papuri lang ang hatid ni N0tail para sa tanyag na Chinese squad, “We’ve been inspired by them and they have been inpired by us. I like to think there is a lot of mutual respect. So that’s a team I am really looking forward to playing.”

Naalala ni N0tail ang PSG.LGD sa isa pang legendary Dota 2 team

Wings Gaming, ang koponang nagpapaalala kay N0tail sa PSG.LGD.
Credit: ESL One

Naniniwala si N0tail na magkapareho ang PSG.LGD sa isa sa pinakamalakas na Dota 2 team na nagmula sa China na naging kampeon din noong The International 2016.

“PSG.LGD reminds us of WIngs Gaming, the unique Chinese team that doesn’t play like anyone else in the region, or anyone else in the world. And they have awesome players,” paliwanag ni N0tail.

May dalawang miyembro ang PSG.LGD na dating naglaro sa Wings Gaming, sina Zhang “Faith_bian” Ruida at Zhang “y`” Yiping.

“I am still a fan of them, and the other guys are fantastic at their roles. You can tell they are playing good Dota 2,” dagdag ni N0tail.

Lalahok sa The International 2010 ang OG, PSG.LGD, at Evil Geniuses simula sa ikapito ng Oktubre.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.