Inanunsyo na ng OG Esports ang kanilang Dota 2 roster para sa 2024 season, para magpakita ng isang paghahalo ng mga experienced players at fresh talent sa European region.

Si Adrian “Wisper” Dobles, dating parte ng Evil Genius at beastcoast, ang papalit kay Dmitry “DM” Dorkhin. Si Matthew “Ari” Walker, dating parte ng TSM, ang papalit naman sa posisyon ni Tommy “Taiga” Le.

Nagpaalam sina DM at Taiga sa OG matapos mag-expire ang kanilang mga kontrata sa pagtatapos ng DPC 2023 season.



OG’s Dota 2 roster para sa 2024 season 

Dota OG 2024 roster
Credit: OG
  • Artem “Yuragi” Golubiev  
  • Bozhidar “bzm” Bogdanov 
  • Adrián “Wisper” Dobles 
  • Matthew “Ari” Walker 
  • Sébastien “Ceb” Debs (captain) 
  • Mikhail “Misha” Agatov (coach) 

Sina Wisper at Ari ang tatayo para sa offlane at position 4 support roles. Sina Yuragi, BZM, at Ceb naman ay magbabalik sa lineup, kung saan si Ceb ang tatayo para sa role na team captain.

Ang pokus ng team sa paparating na season ay synergy, innovation, at paghatid ng mga exciting na experiences para sa kanilang fan base, sinabi ng organization sa kanilang website.

Ipinaliwanag ng European esports organization na sila magiging tapat sa pagbuo ng mga memorableng moments, in-game at iba pa, para maipakita ang kanilang core values na naging rason kung bakit sila minamahal ng esports community.

Kasalukuyang naghahanda ang OG para sa 2024 season sa Sunflower gaming mansion ni Johan “N0tail” Sundstein sa Lisbon, kung saan naka-concentrate sila sa pag-ensayo, skill development, at pagbuo ng team cohesion.

Mag-dedebut ang bagong team sa closed qualifier ng ESL Kuala Lumpur simula Nobyembre 16.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Shopify Rebellion nagpaalam na sa 3 players kabilang si Abed