Nagpaalam na ang Shopify Rebellion sa kanilang Dota 2 roster.

Hindi na parte ng Shopify Rebellion roster sina Abed “Abed” Yusop, Andreas “Cr1t-” Nielsen, at Tal “Fly” Aizik, inanunsyo ng North American organization.

Naging parte si Cr1t- sa team simula pa noong September 2016, kung saan sumali siya sa roster kasabay ni Artout “Arteezy” Babaev. Naging parte rin si Abed ng roster simula September 2019, habang si Fly naman, maliban sa kaniyang season sa Talon Esports, ay naging parte ng squad simual pa 2018. 

Ayon kay Cr1t-, siya ay “blessed to have such good teammates for such a long time and I wish them all the best.” Kinumpirma rin ng 27-year-old na nasa bagong team na siya na may “high aspirations” at nais niyang makabali ksa kaniyang “best next year.”



Shopify Rebellion roster nagkulang matapos ang pagalis nina Cr1t-, Abed, at Fly 

Dota 2 Shopify Rebellion Arteezy
Credit: Valve
  • Artour “Arteezy” Babaev 
  • Jonáš “SabeRLight-” Volek 
  • Kanishka “BuLba” Sosale (coach) 

Ito ay isang end of an era para sa matagal na NA squad, at sina Arteezy at BuLba na lamang ang natitira sa kanilang core.  

Pumasok sa Dota 2 scene ang Shopify Rebellion noong nakaraang taon at natalo nila ang Geniuses roster na nagtagal ng mahigit limang taon. Patuloy na nanaig ang team sa NA scene, at nagtapos sa top two sa bawat Dota Pro Circuit tour at nanalo sa Tour 3. 

Naging solid din ang mga performances ng squad sa mga international competitions, matapos magtapos sa fourth place sa Lima Major noong March, pangatlo sa DreamLeague S19, at 2nd place sa DreamLeague S21.  

Sa kabila ng kanilang mga pagkabigo sa The International stage, nagkaroon ng pag-asa na makakahanap sila ng momentum sa TI12. Sa kasamaang palad, hindi naging maganda ang kanilang group stage performance, 2-6 at natalo laban sa mga naging kampeon na Team Spirit sa isang seeding match sa playoffs sa lower bracket. Natalo sila sa NA rivals na TSM, at tinapos nila ang TI12 sa isang joint-13th

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Dota 2.

BASAHIN: Talon Esports nagpaalam sa kanilang Dota 2 roster