Ibinahagi ng Valve na may dalawang indibidwal na nag-postive sa COVID-19 sa The International 10 venue, ang Arena Națională na matatagpuan sa Romania.
Ang impormasyon ay inilathala ng naturang organizer sa kanilang opisyal na Twitter page noong ika-apat na araw ng TI10 main event.
Ang health and safety protocols ng Valve sa The International 10 venue

Dalawang araw na lang ang nalalabi sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon nang i-report ng Valve na may nadiskubre silang positive cases.

Agad naman daw na-isolate ang mga hindi pinangalanang indibidwal at sinunod ang contact tracing protocols. Naka-isolate na rin ang mga naka-close contact noong nakalipas na limang araw ng mga nagpositibo.
Araw-araw nagsasagawa ng test ang Valve para sa players at personnel para masiguro ang kaligtasan ng mga bumubuo sa TI10.
Ang Bucharest, ang siyudad kung nasaan ang The International 10 venue, ay nakasailalim sa Code Red status para sa COVID-19 bago magsimula ang turneo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kinansela ang ticket sales pati na rin ang pagbabawal ng fans sa loob ng venue.
Samantala, nakatakda pa ring ituloy ang ikalimang araw ng main event sa ganap na ikatlo ng hapon mamaya.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary hatid ng foodpanda.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: T1 babawi sa susunod na The International sabi ni Kuku