Sigurado na ang promotion ng Talon Esports sa Division 1 ng Dota Pro Circuit Southeast Asia matapos nilang maselyo ang ika-anim na sunod na panalo sa ikalawang Tour ng Division 2.

May dalawang linggo pang natitira sa gumugulong na DPC SEA 2021/2022 Tour 2 Division 2 pero siguradong sa Division 1 na maglalaro ang koponan nina Nuengnara “23savage” Teeramahanon sa susunod na Tour.


Ang landas patungo patungo sa promotion ng Talon Esports sa Division 1

Promotion ng Talon Esports sa Division 1 ng DPC SEA, selyado na
Credit: ONE Esports

Sa loob ng apat na linggo, walang koponan mula sa Division 2 ang nakadungis sa perpektong win-loss record ng Talon Esports.

Tanging ang UD Vessuwan lang din ang koponang naka-iskor sa kanila ng mapa nang magharap ang dalawa nitong ikasiyam ng Abril, ang parehong araw kung kailan naselyo ang promotion ng Talon Esports sa Division 1.

Sa post-game interview, ibinahagi ng coach ng koponan na si Lee “Forev” Sang-don ang dahilan kung bakit sa lahat ng koponan, tanging ang koponan mula sa open qualifier lang ang naka-iskor sa kanila.

“We picked different heroes, somehow we changed our plan, and then like, we kinda messed up from there,” paliwanag nito.

Na-excite din daw ang koponan sa posibilidad na makakatungtong na sila sa wakas sa Division 1 kaya naman kahit nakapag-research sila, hindi nila napigilang i-underestimate ang kanilang kalaban.


Forev, ibinunyag ang koponang nais nila makalaban sa Division 1

Promotion ng Talon Esports sa Division 1 ng DPC SEA, selyado na
Credit: Valve

Sa parehong interview, hindi napigilan nina Michael “MLPDota” Le Phoenix at John “johnxfire” Fernandez na tanungin sa coach ng Talon Esports kung alin sa mga koponang namamalagi sa Division 1 ang pinaka-excited silang makaharap.

“Isn’t it kinda obvious?” pabalik na tanong ni Forev.

Bagamat alam na rin nila ang sagot, iginiit pa rin ni MPLDota na manggaling ang sagot mula mismo sa dating miyembro ng T1.

“Yeah, you know I was T1 and [23savage] was T1 too,” sagot ng coach.

Sa kabila ng inaasahang mainit na bakbakan, idiniin ni Forev na magkakaibigan sila at inaabangan niya ang pagkakataon na purihin ang mga ito sa hinaharap.


Selyado man na ang promotion ng Talon Esports sa Division 1 ng DPC SEA, may natitira pa silang isang laro kontra kapwa undefeated na koponan na RSG.

Nakatakdang ganapin ang kanilang salpukan sa ika-14 ng Abril, sa ganap na ikatlo ng hapon.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: CEO ng Talon Esports ibinahagi ang dahilan bakit Pinoy players ang kukunin para sa binubuo nilang Valorant team