Isa ang Talon Esports sa mga tanyag na organizations sa buong mundo na nagsimulang mag-invest hindi lang sa Pinoy players kung hindi maging sa gaming community ng Pilipinas.

Sinimulan nila ito noong nakaraang taon matapos mag-expand sa Dota 2 at i-recruit ang Filipino player na si Khim “Gabbi” Villafuerte, at plano nila itong ipagpatuloy ngayong taon matapos makumpirma ang balitang bumubuo sila ng Valorant team na pangungunahan din ng mga talentong Pinoy.

Sa eksklusibong panayam ng ONE Esports Philippines, ibinahagi ng CEO at co-founder na si Xiao Zhang ang kanilang mga plano, ang dahilan bakit Pinoy players ang kukunin para sa kanilang Valorant team, at maging ang mga values na dapat meron ang isang potensiyal na Talon Esports player.


Bakit Pinoy players ang gustong kunin ng Talon Esports para sa kanilang Valorant team

CEO ng Talon Esports ibinahagi ang dahilan bakit Pinoy players ang kukunin para sa binubuo nilang Valorant team
Credit: Talon Esports

May mahabang listahan ng mga napagtagumpayan sa larangan ng FPS ang Talon Esports. Mangilang beses nilang pinangibabawan ang Pacific Championship ng Overwatch Contenders at meron din silang esports team sa Rainbow Six Siege. Kaya kung experience lang din ang pagbabasihan, sinigurado ni Zhang na gamay na nila ang timpla para maging matagumpay sa nasabing titulo.

Pero hindi naging agaran ang desisyon ng kanilang expansion. Naging mabusisi ang Hong Kong-based esports organization sa kanilang pagpili ng bansa kung saan itatayo ang kanilang susunod na koponan, pero nakatulong ang pag-organisa nila ng Valorant Champions Tour para sa Hong Kong-Taiwan para ma-uwi sa naturang desisyon.

CEO ng Talon Esports ibinahagi ang dahilan bakit Pinoy players ang kukunin para sa binubuo nilang Valorant team
Credit: Riot Games

“We did a pretty big analysis across whole Asia, we looked at Japan, we looked at Korea, we looked at Thailand, we looked at the Philippines… particularly out of Thailand and the Philippines, a lot of young, good mechanical players that once again, we thought could benefit from our process and our mindset to how to run our esports teams.

When we did our assessment, the biggest upside is actually in the Philippines, because in Korea there’s already a couple of big teams there, Japan also there’s some well-established teams, the talent pool is actually quite tight in those two markets, to be honest, but in the Philippines… there’s a lot of players, a lot of talented players,” kwento ni Zhang.

(Gumawa kami ng malaking analysis sa buong Asya, tinignan namin ang Japan, tinignan namin ang Korea, tinignan namin ang Thailand, tinignan namin ang Pilipinas… partikular sa Thailand at Pilipinas, maraming batang magagaling na player na pwedeng mabenepisyuhan sa mindset namin kung paano namin pinapatakbo ang aming esports teams.

Nang ginawa namin ang aming assessment, ang pinakamalaking bentahe ay nasa Pilipinas, dahil sa Korea, marami nang malalaking koponan, gayundin sa Japan, pero sa Pilipinas… maraming manlalaro, maraming mahuhusay na manlalaro.)

Hindi na raw pinalampas ng Talon Esports ang pagkakataong ito para kumuha ng Pinoy players para sa kanilang Valorant team.

Ang apat na values na dapat meron ang isang potensiyal na Talon Esports player

CEO ng Talon Esports ibinahagi ang dahilan bakit Pinoy players ang kukunin para sa binubuo nilang Valorant team
Credit: ONE Esports

Pero ayon kay Zhang, hindi sapat na talentado lang ang isang manlalaro para maging parte ng Talon Esports.

“We want to hire a young group of kids, and or an established team, depending on how things go, but we want to indoctrinate them into our mindset, and our ethos, and also our process, and our work ethic that we have,” paliwanag ng CEO.

(Gusto namin kumuha ng grupo ng mga bata, o ng nakatatag nang koponan, depende sa mga mangyayari, pero gusto naming ituro sa kanila ang mindset namin, ang ethos namin, pati na rin ang proseso at work ethic na meron kami.)

Inilista rin ni Zhang ang mga values na bumubuo sa kanilang players:

  • Masipag
  • Mapagkumbaba
  • Marunong tumanggap ng feedback; at
  • Naiintindhan ang kahalagahan ng teamwork.

“In our eyes we want them to be professionals, we want them to care to what they’re doing, we want to give them a platform to be successful, not only just, ‘here’s some prize money’, but set them up for a life,” dagdag ni Zhang.

(Para sa amin, gusto namin silang maging professionals, gusto namin na pahalagahan nila ang kanilang ginagawa, gusto namin na mabigyan sila ng pkataporma kung saan magiging matagumpay sila, hindi lang basta bigyan sila ng pera, pero tulungan silang maitatag ang kanilang buhay.)


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Valorant, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano gumawa ng bagong mapa ang mga Valorant map designers