Umalis na rin sa Alliance si Gustav “s4” Magnusson, ilang araw matapos ang paglisan nina Linus “Limmp” Blomdin at Artsiom “fng” Barshak sa koponan.
Naging parte ng organisasyon ang batikang offlaner sa kabuaang apat na taon. Pinangunahan niya ang Alliance noong The International 2021 kung saan natapos ang kanilang kampanya sa 9th-12th place.
s4, apat na taong naging parte ng Alliance

Nag-umpisang maging kasapi ng koponan si s4 simula pa noong 2012, kung kailan No Tidehunter pa ang pangalan nito. Nag-rebrand ito sa Alliance noong 2013, ang parehong taon kung kailan sila nanalo sa TI3.
Hindi malilimutan ang ginawang play ni s4 sa ikalima at huling mapa ng grand final ng nasabing turneo. Na-cancel kasi ng Dream Coil ng kanyang Puck ang tatlong miyembro ng Natus Vincere na nagtakang mag-Teleport para madepensahan ang pag-split-push ng mga kampi ni s4.
Na-ukit sa kasaysayan ng esports ang ginawang ito ng manlalaro bilang ang “Million-Dollar Dream Coil,” dahil natulungan nitong iselyo para sa Alliance ang USD$1,437,190 na cash prize at ang Aegis of Champions.
Simula nito, tampok na lahat ng The International si s4. Nakapaglaro siya para sa Alliance, Team Secret, OG, at Evil Geniuses.
Loda, nagpasalamat sa pinagsamahan nila ni s4

Nag-abot ng pasasalamat ang co-founder at CEO ng Alliance na si Jonathan “Loda” Berg sa mga ginawa ni s4 para makatungtong ang koponan sa nagdaang Dota 2 world championship
“S4 is a legend not only to Alliance but in the Dota scene, and his return to the organization played a massive part in helping the team qualify for The International 10,” sulat ni Loda.
Magkakampi ang dalawa noong nanalo sila sa TI3. Binalikan din ni Loda sa isang sulat ang mga panahon kung kailan naglalaro pa sila:
“It’s always sad to say goodbye to a friend. Especially a friend as special and important to Alliance’s history as the son of Magnus himself.”
Mababasa ang buong anunsyo ng Alliance dito.
Ang kasalukuyang Dota 2 roster ng Alliance
- Nikolay “Nikobaby” Nikolov
- Simon “Handsken” Haag
Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akdang matatagpuan dito.
BASAHIN: Mensahe ni Sheever: ‘It’s disappointing to see fans abandon ship when something goes wrong’