Live kamakailan si Jake “SirActionSlacks” Kanner sa Twitch nang makatanggap siya ng US$10,000, o higit PHP500,000, na donasyon mula sa isa sa kanyang mga viewer.

Nanggaling ang donation sa isang user na nagngangalang eezzee. Kalakip ng kanyang donation ay isang mensahe na nagsasabing, “For making me laugh over the years. Enjoy the final gift.”

Dumagsa ang gifts kay SirActionSlacks habang live sa Twitch

Dumagsa ang gifts kay SirActionSlacks habang live sa Twitch
Credit: SirActionSlacks Twitch page

Bukod sa mga direct donation, nago-offer din ang Twitch ng iba’t-ibang options para masuportahan ang paboritong streamers ng mga viewers. Isa na dito ang monthly subscription na nagbibigay ng eksklusibong benefits para sa mga subscribers.

Hinype pa lalo ni eezzee ang chat matapos nitong mamigay ng higit 900 subscriptions sa mga viewer. Dahil dito, napanganga na lang ang kadalasa’y madaldal na esports personality.

Sino si SirActionSlacks

Para sa mga ‘di nakakaalam, si SirActionSlacks ay isang content creator, host, at team manager ng Arkosh Gaming.

Madalas siyang makita, at ang kanyang mga gawa, sa Dota 2 community, pero kamakailan ay pinasok niya rin ang mundo ng Mobile Legends: Bang Bang matapos i-host ang North American qualifier ng M3 World Championship.

Kilala ang tanyag na personalidad dahil sa kanyang sense of humor, na dala niya hindi lang sa livestream kung hindi pati na sa mga live event. Sample na lang noong The International 10 nang i-host niya ang All-Star match.