Ang apat na Chinese teams na nakapasok sa Stockholm Major ay hindi makakasali sa event sa May dahil sa COVID-19 restrictions at visa issues.

Sa halip, ang PSG.LGD, Xtreme Gaming, Team Aster, at Royal Never Give Up ay maglalaro sa isang hiwalay na Regional Final na gaganapin sa May 6 hanggang 8, ayon sa anunsyo ng Perfect World.

Kung magpapatuloy ang Perfect World na may parehong format ng sa huling Tour, nang ma-cancel ang Winter Major, ang Regional Final ay magkakaroon ng double-elimination bracket na may extra prize money at DPC points.

Bakit hindi makakapunta sa Stockholm Major ang mga Chinese teams?

PSG.LGD TI10
Credit: Valve

Ang agresibong pakikipaglaban ng China na magkaroon ng zero-COVID policy ay humantong sa pagkakaroon ng striktong lockdown sa ilang siyudad, kabilang na ang Shanghai, kung saan nakabase ang ilang Dota 2 teams.

Ang mga Division I winners na PSG.LGD ay nabigong kumuha ng travel visa, ayon sa anunsyo ng organisasyon sa Weibo.

Kahit pa makaalis sila ng bansa, mahihirapan silang makabalik kung sakaling makakuha sila ng COVID-19 sa ibang bansa. Noong The International 10, ang ilang miyembro ng Team Aster at Invictus Gaming ay nagpositibo sa COVID-19, na nagging sagabal sa kanilang pag-uwi pabalik ng China na inabot ng ilang buwan.

Ilang teams ang maglalaro sa Stockholm Major?

Stockholm Major
Credit: ESL

Sa oras ng pagsusulat nito, wala pang balita mula sa Valve tungkol sa mga papalit na teams para sa Stockholm Major.

Kung wala ang apat na Chinese teams, ang Major ay magkakaroon ng 14 teams, kung saan ang tatlo ay pagdedesisyunan pa lamang sa DPC Eastern Europe qualifiers.

Posibleng magkaroon ng mga kapalit na teams na magmumula sa iba’t-ibang regions, maaaring sa pamamagitan ng last-chance qualifier o base sa standings sa Tour 2.

Panoorin ang DPC CN Regional Final sa May 6 sa Perfect World English Twitch channel.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.