Kahit gaano pa kabilis ang daliri mo, tila swertehan lang talaga ang pagbili ng The International 11 (TI11) tickets.

Tampok sa Ticketmaster, ang official site para sa TI11 tickets, ang isang randomized queue para sa mga umaasang makabili ng tickets. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng limit na five tickets per day, per person, ang lahat nang TI11 tickets ay nabili sa loob lamang ng ilang minuto pagkatapos ng 10 a.m start time.


Scalpers nagbebenta ng TI11 tickets sa halagang $1,200

Dota 2 Arteezy TI11 tickets Prices Singapore
Credit: Valve, ONE Esports

At dahil isang wave lang ang pagbebenta ng tickets, nangangahulugan na bilang ang lahat ng upuan sa Dota 2 tournament – maliban na lang sa mga scalpers na handing ibenta ang kanilang tickets sa mataas na halaga.

Ang Carousell, isang sikat na consumer marketplace sa Singapore, ay puno na ng mga listings para sa mga ibinebentang tickets, karamihan ay para sa grand finals sa Singapore Indoor Stadium. Ang presyo ng mga tickets ay nasa humigit-kumulang SGD$800 hanggang SGD$1,200.

Kung nagbabalak kang lumipad papuntang Singapore, maaaring masakit sa loob mo na gumastos ng malaking halaga para sa mga mamahaling tickets mula sa mga scalpers. Ngunit kung nakapagbayad ka na para sa travel at accommodation, marami pa namang ibang bagay na pwedeng gawin sa Singapore – at sana meron ding mga viewing events para sa mga nabigong makabili ng tickets.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.