Inanunsyo na ng Valve ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa tickets para sa The International 2022. Maaari nang makabili ng TI11 tickets simula ngayong Agosto, dalawang buwan bago magsimula ang turneo sa Ika-20 ng Oktubre.

Sa ngayon, apat nang koponan ang tiyak na makadadalo sa naturang Dota 2 world championship matapos maka-ipon ng sapat na Dota Pro Circuit points. Ito ay ang Thunder Awaken, PSG.LGD, TSM FTX, at OG.

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa tickets para sa The International 2022, katulad ng presyo, saan makabibili, at kailan maaaring bumili.

Presyo ng TI11 tickets at mga venue sa Singapore

TI11 tickets: Presyo, saan makakabili, kailan mabibili, mga venue sa Singapore
Credit: Valve
STAGEPETSAVENUESPRESYO NG TI11 TICKET
PlayoffsOktubre 20, 21, 22, 23Suntec Singapore Convention & Exhibition CentreSGD$88 (₱3500+) kada araw
FinalsOktubre 29 at 30Singapore Indoor StadiumSGD$498 (₱20,000+) para sa parehong araw

Isang wave lang ng ticket sales ang idaraos at maaaring makabili ang mga customers ng hanggang limang ticket para sa bawat petsa, ayon sa opisyal na anunsyo ng Valve.

Ang mga fans na nasa Singapore ay maaaring i-claim ang kanilang ticket sa tulong ng courier delivery o will-call pickup. Ang pangalawang option lang naman ang available para sa mga fans sa labas ng bansa.

Kailan maaaring bumili ng TI11 tickets?

TI11 tickets: Presyo, saan makakabili, kailan mabibili, mga venue sa Singapore
Credit: Wykhrm Reddy

Mabibili ang mga TI11 tickets sa ika-13 ng Agosto, Sabado, simula ika-10 ng umaga.

Saan makakabili ng T11 tickets?

Sa ngayon, wala pang detalye patungkol sa kung saan maaaring bumili ng mga tiket.

(I-a-update pa.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ito ang resultang kailangan ng SEA teams sa Arlington Major para makakuha ng TI11 direct invite