Sa kauna-unahang pagkakataon, ang pinakaprestihiyosong Dota 2 tournament, ang The International, ay gaganapin sa Southeast Asia.
Isang lipad lang ang layo ng mga players mula sa Indonesia, Thailand, Myanmar, Vietnam, Pilipinas, at marami pang iba upang makita ang kanilang mga paboritong teams at players nang malapitan nang hindi nag-aalala sa mga visa restrictions.
Ang TI1 noong 2011 ay ginanap sa Cologne, Germany, na sinundan ng TI2 hanggang TI7 mula 2012 hanggang 2017 sa Seattle, sa United States, malapi sa headquarters ng Valve. Ang TI8 ay ginanap naman sa Vancouver, Canada noong 2018, na sinundan ng TI9 sa Shanghai, China. Noong 2020, kinansela ng Valve ang taunang tournament dahil sa COVID-19 pandemic, at ipinagpatuloy ang TI10 nang sumunod na taon sa Bucharest, Romania.
Bagama’t magandang balita ang venue ng TI11 main event para sa marami, ang halaga ng gastos para makapunta sa The International 11 ay siguradong babasag sa alkansya ng maraming fans sa SEA. May nagaganap na pandaigdigang inflation, na nagsimula noong 2021 na may kaugnayan sa pandemya at sa Russian invasion ng Ukraine, na maaaring nakaapekto nang malaki sa presyon ng TI tickets para sa taong ito na nagdoble kumpara noong TI10.
Kung isasaalang-alang ang lahat nang nasa taas, sulit ba ang bumiyahe nang malayo upang masaksihan nang personal ang pinakamalaking pangyayari ng taon sa Dota 2 scene? Hinimay namin ang prsyon ng TI11, kung magkano ang kailangan mong gastusin, mga requirements at dokumento na kailangan para makapasok sa Singapore para sa The International 2022.
Travel requirements upang makapasok sa Singapore

Tanging mga fully-vaccinated travelers lang ang pwedeng makapasok sa bansa at kakailanganin nilang ipakita ang mga sumusunod na requirements ayon sa Singapore Tourism Board:
- Vaccination certificate
- Registered TraceTogether app and account
- SG Arrival Card and e-health declaration
Halimbawa ng TI prices at budget para sa Playoffs
Ang Main Event ng The International 2022 ay may dalawang bahagi – Playoffs at Finals.
Ang TI11 Playoffs ay gaganapin mula October 20 hanggang 23 sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Centre sa Raffles Boulevard. Ang mga tickets ay nagkakahalanag SGD$88 bawat araw, na nangangahulugang ang apat na araw ay nagkakahalagang SGD$352.
Narito ang halimbawa ng mga gastusin kung nagpaplano kang um-attend ng Playoffs bilang isang fan mula sa Pilipinas. Upang makatipid, kinunsidera namin ang accommodation na may sampung minuto ang layo, kung lalakarin, mula venue.
Naglagay din kami ng karagdagang dalawang araw sa samplre itinerary upang magbigay ng sapat na oras para sa pagdating at pag-alis bago at pagkatapos ng Playoffs.
| EXPENSES | COST IN PH₱ | COST IN SGD$ |
| TI11 Playoffs tickets (4 araw) | PH₱14,000 | SGD$352 |
| Philippine Travel tax | PH₱1,620 | SGD$40 |
| Airline tickets (October 19 hanggang 24) | PH₱11,500 | SGD$285 |
| Budget hostel accommodation malapit sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Centre (6 days, 5 nights) | PH₱7,700 | SGD$190 |
| Transportation | PH₱500 | SGD$13 |
| Food | PH₱6,400 | SGD$160 |
| Miscellaneous/emergency money | PH₱5,000 | SGD$125 |
| TOTAL | PH₱46,720 | SGD$1,165 |
Halimbawa ng budget para sa Finals

Dahil ang TI11 Finals ay sasakto sa weekend, kung kaya’t asahan ang mas mahal na airline ticket prices. Mas mahal din ang mga accommodation na malapit sa venue dahil limitado lang ang mga pagpipilian sa paligid ng Singapore Indoor Stadium, kaya malaman ay sa isang budget hotel ang bagsak mo.
| EXPENSES | COST IN PH₱ | COST IN SGD$ |
| TI11 Playoffs tickets (2 days) | PH₱20,000 | SGD$498 |
| Philippine Travel tax | PH₱1,620 | SGD$40 |
| Airline tickets (October 28 hanggang 31) | PH₱14,300 | SGD$355 |
| Accommodation malapit sa Singapore Indoor Stadium (4 days, 3 nights) | PH₱10,000 | SGD$250 |
| Transportation | PH₱500 | SGD$13 |
| Food | PH₱4,000 | SGD$100 |
| Miscellaneous/emergency money | PH₱5,000 | SGD$125 |
| TOTAL | PH₱55,420 | SGD$1,381 |
Handa ka na bang bumiyahe papuntang SG? Huwag kalimutang i-check kung makakabili ka ng tickets.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.