Nagsimula na ang pinakamalaking tournament ng Dota 2. Sa The International 10 magaganap ang pagtatapos ng Dota Pro Circuit. Matapos ang dalawang taong paghihintay, sabik na sabik ang mga Dota 2 fans na mapanood ang tournament na may US$40 million prize pool.

Ngunit dahil sa COVID-19, inanunsyo ng Valve na ang lahat nang TI tickets ay mare-refund at hindi magkakaroon ng audience presence ang TI para sa taong ito. Dahil dito, nakaisip ang Valve ng bagong paraan upang maipakita ng mga fans ang kanilang suporta para sa paborito nilang teams.

Inanunsyo ng Valve ang in-game virtual cheering para sa TI10

Dota2 Cheer
Credit: Valve

Sa kanilang nakaraang blog post, ipinakilala ng Valve ang bagong feature kung saan maaaring mag-cheer virtually ang mga viewers para sa kanilang favorite teams. Para magamit ang feature na ito, kailangan lamang i-click ng fans ang logo ng team habang nagaganap ang match.

Ang mga virtual cheers na ito ay mula sa mga audience, at makikita sa screen.

Para sa mga myembro ng supporters club, ang kanilang virtual cheers ay kulay bronze, silver, o gold base sa kanilang rank.

Ang bagong feature na ito ay available sa Dota 2 client at magiging available rin sa Twitch.

Sinong team ang ichi-cheer mo sa TI10? Huwag palampasin ang mga maaksyong laban sa Twitch.

Alamin kung paano nakapasok ang ibang teams sa The International 10  sa Heroes of the Game documentary presented by Foodpanda.

Ang akdang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.