Hindi na makakasali ang Chinese team na Xtreme Gaming sa Arlington Major matapos mabigo sa pagkuha ng visa.

Tatlong beses na-deny ang carry player ng koponan na si Lou “lou” Zhen, ayon sa isang post ng Xtreme Gaming sa Weibo.

Sulat ng organisasyon, matapos daw nilang ipagsaalang-alang ang lahat ng bagay, kasama na ang pagbalik sa China dahil sa zero-COVID policy ng bansa, isinuko na lang nila ang kanilang slot sa Major para mas makapaghanda sa qualifiers ng The International 11.

Xtreme Gaming, susuyurin na lang ang regional qualifiers para makapag-TI11

Xtreme Gaming 'di makadadalo sa Arlington Major dahil sa visa issues
Credit: Valve

Kahit pa makipagsapalaran ang Xtreme Gaming sa Arlington Major, hindi pa rin magiging ganon kadali ang maka-directly qualify sa susunod na Dota 2 world championship.

Nasa ika-18 puwesto ngayon ang koponan sa kabuuang DPC rankings nang may 440 points. Para makapasok sa TI11, kailangan nilang maselyo ang third place nang hindi kasama ang kanilang main carry.

Dahil sa desisyon ng organisasyon, tatlong koponan na lang mula sa China ang makakadalo sa nasabing Major, ang PSG.LGD, Royal Never Give Up, at Team Aster.

Higit ₱27 milyon, o $500,000, ang nakataya sa Arlington Major. Nakatakda itong iraos sa Esports Stadium Arlington, ang pinakamalaking esports facility sa North America, simula sa ika-apat hanggang ika-14 ng Agosto.

Ito ang huling Major ng DPC 2021/2022 season bago ang The International 11, at ang huling pagkakataon para sa mga koponan na maka-ipon ng DPC points.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Dahil sa visa issue, sina DJ at Jabz lang ang maipapadala ng Fnatic para sa Arlington Major