Isang pinoy rockstar ang sasali sa ranggo ng mga survivor.

Ibinahagi sa Farlight 84 Philippines Summit ang kanilang mga plano, tulad ng bagong maps, iba’t-ibang stratehiya para maangat ang laro sa esports scene, at ang paghatid ng isang Pinoy hero.

Nag-commit ang Farlight 84 ng US$20 million o mahigit PHP1.1 bilyon sa loob ng limang taon. Ito ay isang importanteng financial backing na ibinigay sa Farlight Philippines Championship (FPC), isang tournament series para sa mga participants ng lahat ng skill levels.

May oportunidad na ang players na lumahok para sa isang prize pool na US$1 million o higit PHP56 milyon, na may tsyansa pa para makakuha ng cash rewards sa mga iba’t-ibang pinlanong tournaments.

Farlight 84 Nelson Woon
Credit: Nelson Woon

Dedikado ang Farlight Games sa paghatid ng mga updates tulad ng panibagong heroes kada buwan, pati na rin ang mga bagong mapa, weapons, game modes, at vehicles kada anim na buwan.  

Dagdag pa sa mga game-related na improvements, malapit na ring maging available ang Farlight sa Nintendo Switch, at may plano na rin itong mailabas sa PlayStation at Xbox platforms sa paparating na taon.



Tinukso ng Farlight 84 ang isang paparating na Pinoy hero

Farlight 84 Pinoy hero
Screenshot ni Ron Muyot/ONE Esports

Ibinahagi ng Farlight Games Senior Director ng Global Publishing na si Nelson Woon ang isang silip sa kanilang gma plano para sa mga lokal na players, tulad ng paghatid ng isang Pinoy hero sa roster ng laro.

“In a celebration of the Filipino culture, we are introducing a new Filipino hero,” sabi ni Nelson Woon.

“This hero, who will assume the support role and will embody the vibrant spirit of a rockstar, reflects our ongoing commitment offering customized elements and content.”

Ang bagong hero ay nakatakdang ilabas sa Oktubre, at kasama nito ay mga hero skins na ekslusibong dinisenyo para sa Pinoy fans.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Farlight 84.  

BASAHIN: Isa nang brand ambassador ng Farlight 84 ang Pinay na aktres na si Ella Cruz