Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.

Bilang isang panibagong hero, marami agad ang nabighani sa skillset ni Novaria. Lalong-lalo na dahil sa panibagong mechanic na na-introduce ng hero na ‘to, ang ideya na maari mong palakihin ang “Hitbox” ng isang hero. Malaking bagay din ang vision na naibibigay ni Novaria sa late game clashes. Kaya nama’y hindi malayong magamit ito ng mga pro players sa mga competitive na MLBB matches.

Sa papalapit na MSC, at sa iba pang torneong paglalaruan ng mga pros, maaring masabi na mataas ang tyansa ni Novaria na maging isang top pick, at heto ang limang dahilan kung bakit:

1. Vision ni Novaria

Katangi-tangi ang skillset ni Novaria, at heto ang abilidad na tumagos sa mga walls at siyempre, ang kaniyang Ulti. Ang Astral Echo ay isang napakalaking AoE skill na nagbibigay ng Vision sa lahat ng heroes na tatamaan nito (at 8 seconds ang tinatagal ng vision na ‘to!). Bukod pa diyan, lalaki ng 2.5x ang Hitbox ng mga kalabang hero, bagay na katangi-tangi at panibago talaga sa MLBB.

Novaria Astral Echo

Dahil 35 seconds lang din ang cooldown ng Ultimate na ‘to, napakalaking bagay sa Early hanggang Late Game ng kaniyang ultimate. Maari mo nang maipanalo ng madali ang late game Lord fights, pati na rin ang potensyal na push sa base ng kalaban.

Buong laro din maaring ma-spam ang Astral Recall, na nagbibigay kay Novaria ng mas marami pang options para makapag-bigay ng vision sa kaniyang teammates.

2. Katangi-tanging Tech

Novaria lamang ang katangi-tanging hero na nagbibigay ng extra Hitbox. Napakalaking value nito sa mga potensyal na combo tulad ng Franco+Novaria: ang extra Hitbox size ay nagsisilbing mas pinadaling paraan upang mas madaling mapatama ang isang skill-shot based hero tulad ni Franco. Mas madali din siyang maco-combo sa mga damage dealers tulad nila Beatrix, na laging challenge ang pagpapatama ng skill shot.

Bukod pa diyan, ang kaniyang Astral Recall ay madaling magamit upang ma-spam sa early game. Magksama ang pang-trade na skill pati na rin ang pang-vision. Gamit na gamit ito sa mga unang phases ng laro kung saan ang information at poke damage ay mahalaga.

3. Maaring pangontra si Novaria sa mga meta nuke mages tulad nila Yve at Pharsa

Isa pang benefit ng Skill 2 na Astral Recall ay maari itong gamitin upang maging problema sa Nuke Mages tulad ni Yve at Pharsa: dahil nakatambay lang ang dalawang hero na ‘to sa tuwing gagamitin nila ang Ultimate, ang malakas na damage mula sa Astral Recall ay napakalaking threat.



Dahil alam nating ang Yve at Pharsa ay magiging meta heroes (sila din kasi ang tunay na pang-kontra sa mga Marksman), malaking bagay ang Long-range scaling damage ni Novaria.

4. Maganda ang scaling ni Novaria kahit kontra sa mga Tanks

Ang Passive ni Novaria na Star Rail ay nagbibigay ng damage na HP-based, pati na rin ang Astral Recall. Maging ang skill 1 nito na Astral Meteor ay naka-depende rin sa HP ng kalaban. Dahil din sa magandang scaling ni Novaria at sa ideya na HP-based ang damage nito, malaking bagay ang kaniyang combo sa Late Game.

Kahit ipang-tapat sa mga makukunat na hero, malaking threat pa rin ang kaniyang kit sa pag-bigay ng damage.

5. Presensya sa Early Game

Maikli lang ang cooldown ng kaniyang Skill 1 at Skill 2: tig 8 seconds lang sa level 1, at napakalaking bagay nito sa Early Game. Hindi rin ganoon kahirap patamain ang kaniyang Skill 1, at dahil sa kaniyang passive ay significant ang magiging pokes nito sa Early Game.

Ang mga HP-based extra damage ng kaniyang skill ay malaking bagay sa lahat ng early game skirmishes.