Hinatulan ng ban ng Riot Games ang Vietnamese Valorant pro na si Tất Cẩm “Nomsenpai” Khôn dahil sa cheating o pandaraya sa mga official VCT matches.
Hindi na maaaring sumali si Nomsenpai sa lahat nang official Riot Games competitions sa loob ng tatlong taon simula January 26, 2022.
Pati ang kanyang team na Ice Cee Jay Too, ang team na kanyang kinabibilangan na sumali sa VCT 2022 Stage 1: Vietnam Open Qualifiers, diskwalipikado rin mula sa Stage 1 ng VCT APAC 2022.
Three-year ban para kay Nomsenpai dahil sa cheating sa Valorant tournament sa VCT 2022
Napag-alamang gumagamit ng hack si Nomsenpai sa Vietnam Open Qualifiers habang naglalaro ang kanyang team sa Haven na may kalamangan na 12-9.
Sa clip na ito, pumasok sya sa garage at nakita ang kalabang Jett, na nagbato ng Cloudburst upang makatakas.
SInubukan ni Nomsenpai na barilin ang tumatakas na Jett, ngunit biglang lumipat ang kanyang crosshair papunta kay Astra na nasa C link, na imposible nyang malaman ang lokasyon dahil nakatago pa ito at hindi lumalabas.
Patuloy na sinundan ng pagbaril ni Nomsenpai ang Astra habang gumagalaw sa likod ng pader, na talagang nakakapagduda.

“Cheating in any Valorant queue is against the rules of competitive play and violates the rules of fair play. Maintaining the competitive integrity of our tournaments is a top priority and Valorant Esports takes such matters very seriously,” sabi ng Riot Games sa isang official statement.
“As Vanguard is continually improved upon, Riot’s ability to detect cheating in Valorant increases. While all players are expected to abide by the rules of fair play, professional players are subject to additional penalties if caught cheating.”
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.