Ibig sabihin ng bawat visual at gameplay update (VGU) sa League of Legends ay mga panibagong splash art para sa lahat ng Skarner skins.
Nakatanggap ang crystal scorpion ng Shurima Desert ng isang full makeover mula sa Riot Games, kasama ang mas magandang gameplay, mga panibagong spells na hinahayaan siyang mabalewala ang terrain, skillshots, at ang pagkakataon mag-Impale up hanggang sa tatlong targets gamit ang kaniyang ultimate.
Lahat ng Skarner skins matapos ang rework: Visual at gameplay update
Earthrune Skarner
Unang nilabas: Agosto 9, 2011
Nag-anunsyo ang Riot Games ng isang update sa Earthrune Skarner skin, at in-upgrade ang kaniyang quality sa Deluxe para makasabay sa kasalukuyang standards.
Kaya naman in-adjust din ang presyo nito. Kung mayroon ka ng Earthrune Skarner, makakatanggap ka ng update na ‘to nang libre.
Kung wala pa ka nito, maari mo itong bilhin bago mag-live ang update sa halagang 520 RP.
Sandscourge Skarner
Unang nilabas: Agosto 9, 2011
Bumubuga ang Sandscourge Skarner mula sa disyerto, at nagkaroon pa ito ng isa pang horse-drawn wagon.
Battlecast Alpha Skarner
Unang nilabas: Nobyembre 25, 2014
Sumusugod ang Battlecast Alpha Skarner para wasakin ang terrain sa kaniyang paligid. May chain na tumutubo mula sa kaniyang buntot.
Guardian of the Sands Skarner
Unang nilabas: Abril 26, 2015
Tumitili ang Guardian of the Sands Skarner habang hawak ang kainyang buntot. Katabi niya si Rammus habang lumulutang si Xerath sa likuran.
Cosmic Sting Skarner
Unang nilabas: Nobyembre 24, 2020
Binabantayan ni Cosmic Sting Skarner ang astral space na puno ng bitwuin at planeta.
Magiging live ang rework sa mga Skarner skins sa League of Legends patch 14.7 sa Abril 3, 2024.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa League of Legends at para makita ang buong look ng update sa Skarner skins.
BASAHIN: Kumpletong listahan ng mga League of Legends players na may pinakamaraming World Championships