Maaring maihalintulad ang isang laro ng League of Legends sa pagkain, kung saan ang mga players ang sangkap, at ang laro ay ang recipe. Maaring maging masarap na steak ang resulta o maging isang hindi kasiya-siyang TikTok dish.

Ibinahagi ng Korean esports player na si Lee “Gumayusi” Min-hyeong ang analogy na ito, at kinumpara ang League of Legends roles sa mga sangkap ng kaniyang paboritong pagkain, at iginiit ang importanteng papel ng ADCs sa MOBA game.



T1 Gumayusi, kinumpara ang ADC role sa minamahal niyang noodle topping

League of Legends T1 Gumayusi
Credit: Riot Games/Getty Images

Kinumpara ni Gumayusi ang ADC role sa League of Legends sa isang itlog sa instant noodles. Sinabi niya na kahit hindi man ito kailangan, napapasarap pa nito lalo ang pagkain. 

Paliwanag niya na kapag ang mga importanteng sangkap tulad ng tubig, noodles, at soup base ay maayos na inihanda, ang itlog (o ang ADC) ay magiging importante para sa magandang resulta. Kung wala itong foundational elements, magiging bale-wala ang epekto ng ADC.

Inihalintulad din niya ang top at jungler sa noodles, habang ang support ay ang packet ng dehydrated vegetables.

Sinimulan ni Gumayusi ang kaniyang career bilang professional AD carry noong 2018 sa KeG Championship, isang event ng KeSPA, at simula noon ay nabuo na niya ang kaniyang sarili bilang rising bot laner.

Siya ay ni-recruit ng SK Telecom T1 (ngayon ay T1) bilang trainee, para maging isang substitute player noong 2019. Noong 2021, nag-debut siya sa LCK kasama ang T1.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa League of Legends.

BASAHIN: Briar abilities ipinaliwanag: Ang bagong vampire champion ng League of Legends