Kung merong isang hero sa Mobile Legends: Bang Bang na ayaw makatapat ng maraming players, wala itong iba kundi si Fanny. Ang assassin hero ay unang ipinakilala noong 2016, at agad na pumukaw sa interes ng marami dahil sa kanyang kakaibang skill set.
Mabilis siyang nakakalibot sa battlefield gamit ang kanyang second skill na Steel Cables, katulad ng gamit ng mga Survey Corps sa hit manga at anime series na Attack on Titan. Napakahirap pigilan ng isang expert na Fanny player dahil kaya niyang pumasok sa isang team fight, kumuha ng easy kill, at mabilisang umalis gamit ang kanyang Steel Cables.
Maging ang mga pro players ay ayaw makaharap ang Blade Dancer. Siya ang ikalawa sa most banned hero sa MPL PH na may 86 bans sa 116 games. Sa MPL ID Season 10, siya ang most banned hero na may 98 bans sa 122 games.
Mabuti na lang at may ilang heroes na may kakayahang pigilan siya. Narito ang tatlo sa mga best counter heroes sa Blade Dancer sa Mobile Legends: Bang Bang.
3 counter heroes kay Fanny sa mobile Legends
Khufra

May dahilan kung bakit tinawag si Khufra na crowd control king sa game. Ang lahat nang kanyang mga skills ay kayang alisin sa pwesto o ma-stun ang mga kalaban, kung kaya’t siya ang perfect hero na pantapat sa mga maliliksing kalaban. Saktong-sakto laban sa Blade Dancer.
Kaya ni Khufra na pigilan si Fanny na gamitin ang kanyang mga cables sa pamamagitan ng kanyang second skill, ang Bouncing Ball. Ang kailangan niya lang gawin ay i-activate ang kanyang skill malapit sa Blade Dancer, at agad na gumamit ng Tyrant’s Rage o Tyrant’s Revenge upang ipitin sa pwesto ang kalaban. Kung milagrong makatakas man ang kalaban, pwedeng i-proc ni Khufra ang kanyang passive na Spell Curse upang pabagalin ang kanyang movement speed.
Hindi malakas ang kanyang damage at killing power, kaya’t siguruhing makipagtulungan sa inyong gold laner o jungler sa tuwing magsisimula ng team fight. Ilang Segundo lang nagtatagal ang Bouncing Ball, at siguradong makakatakas ang Fanny gamit ang kanyang Steel Cables pag nabigo kayong mapitas ito.
Akai

Si Akai ang perfect tank jungler na pwedeng makipagsabayan kay Fanny. Solido ang kanyang defensive stats at kahinaan ng bawat Fanny user sa ranked games ang kanyang ultimate na Heavy Spin.
Kung tama ang iyong tyempo, kayang pigilan ng Heavy Spin ang Blade Dancer na gamitin ang kanyang Steel Cables. Matagal din ang duration ng skill na ito, kung kaya’t madali sa iyong mga teammates na makasunod at siguruhin ang easy kill.
Ang tanging magiging problema mo lang sa matchup na ito ay ang mahirap na pagposisyon ng ultimate ni Akai. Kung lalaban sa Fanny, siguruhin na kunin ang Ice Retribution para sa movement speed debuff. Nirerekomenda rin na meron kang isang teammate na may single-target stun bago piliin si Akai.
Saber

Ang dalawang heroes na nabanggit sa taas ay epektibo upang maka-setup ng easy kill kay Fanny. Kabaligtaran naman nito si Saber. Ang kanyang ultimate na Triple Sweep ay kayang patalsikin ang kalaban sa ere sa loob ng 1.2 segundo. Kaya nitong hulihin si Fanny kahit pa nasa kalagitnaan siya ng kanyang Steel Cables.
Siguruhin na meron kang Blade of the Heptaseas bilang iyong first item upang tumaas ang iyong bursdt damage. Kung makakakuha ka ng mga kills sa early game, malaki ang tsansang madali lang para sa iyo ang i-burst si Fanny gamit lamang ang dalawang damage items.
Kung dehado ka naman, bumuo ng isa o dalawang defensive items gaya ng Antique Cuirass, Blade Armor, o Immortality. Importante rin na tapusin ang game nang mabilisan, dahil madalas ay napag-iiwanan si Saber sa late game kapag ang lahat ay nakakuha na ng full item build.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.