Maraming pagpipiliang stratehiya ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang dahil sa meta development sa kasalukuyan at isa na rito ang paggamit ng jungler-fighter.

Tila mas gusto ng Moonton i-prioritize ng players ang jungler-fighter o kahit jungler-tank meta dahil mas madaling pumatay ng jungle creeps. Pero syempre iba pa rin kapag nasa mismong laro ka na.

Sa ngayon, assassins pa rin ang prayoridad ng karamihan sa MPL teams tulad nila Lancelot, Ling at Fanny dahil karamihan sa junglers sa pro scene ay mga assassin user. Mas kumportable sila sa paggamit ng heroes na may high mobility, may burst damage kahit sa early game at may potensyal na gumawa ng flashy moves na pwedeng magdikta ng resulta ng isang laro.

Gayunpaman, hindi sila magsu-survive kung ganito lang ang paniniwala nila dahil ang mismong sistema ng Moonton ay tila papunta sa direksyon ng mga jungler-fighter o jungler-tank.

Bilang gabay, narito ang tingin naming mga pinakamabisang jungler-fighter sa kasalukuyang meta ng MLBB.


3 pinakamalakas na jungler-fighter sa MLBB

Aulus

Credit: Moonton

Tumaas ang popularidad ni Aulus pagpasok ng MPL Season 9. Sa halos lahat ng regions, isa siya sa pinakamagandang pagpipilian pagdating sa jungler role.

Mahina ang Warrior of Ferocity sa early game pero lumalabas ang kanyang natatagong lakas kapag nakuha na niya ang level 12 at maaari niyang mabaligtad ang isang laro. Mataas ang kanyang DPS at splash damage sa late game kaya naman kaya niyang makipagsabayan sa maraming kalaban.

Hindi nakakasorpresa kung isa si Aulis sa top priorities ng MPL teams sa pagkuha nila ng jungler.


Yin

Credit: Moonton

Mas balanse naman ang bagong fighter hero na si Yin dahil sa early game pa lang ay may pickoff potential na agad siya. Kaya niyang maka-secure ng kill bilang Lieh sa kanyang domain kahit pa ang makatapat niya ay ang kalabang roamer.

At kapag mas lalong tumatagal ang laro, mas lalong sumasakit ang mga suntok at sipa ni Martial Genius. ‘Wag na ‘wag kang magpapahuli sa kanyang ultimate dahil ang dimensyon na iyon ay isang malupit na killing arena.


Dyrroth

Credit: Moonton

Nagbabalik si Dyrroth sa competitive scene ngayon. Sa MPL Philippines at MPL Indonesia, madalas gamitin ang Prince of the Abyss bilang isang EXP laner na mabisang pangontra kay Esmeralda. Pero sa MPL Malaysia, lumalabas siya bilang jungler-fighter na madalas gamitin ng Suhaz Esports.

Masakit ang combo ng isang jungler Dyrroth. Kaya niyang manghabol, manghuli at mang-instant burst ng mga kalaban gawa na rin ng kanyang Spectre Step (second skill) na nakakapagbawas ng physical defense ng target.

Isang interesanteng option ang jungler Dyrroth para sa mga pro players sa hinaharap.


I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB guides, news at features.

Hango ito sa artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.