Si Yin, ang Martial Genius, ang pinakabagong fighter sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kilala sa kanyang kakaibang skillset kung saan maaari syang magpalit sa pagitan ng kanyang anyong tao at Lieh, si Yin ang hero na hindi mo gugustuhin na makaharap sa isang 1v1 situation.

Ang Martial Genius ay may interesanteng ultimate na tinatawag na My Turn, kung saan hihilahin nya ang kalaban sa isang hiwalay na battlefield upang labanan ang mas malakas na bersyon niya. Ang tanging paraan upang takas an ito ay ang patayin siya o mamatay.

Nahihirapan ka bang labanan ang Martial Genius? Narito ang tatlong heroes na pwedeng ipantapat sa kanya sa iyong classic o ranked Mobile Legends: Bang Bang games.

3 heroes na pangontra kay Yin

Zhask

MLBB Zhask Yin counter
Credit: Moonton

Nawala sa meta si Zhask sa kabila ng malakas na buff na natanggap niya noong patch 1.5.96. Ngunit huwag kang magkakamali, siya lang ang tanging mage hero na kayang tumapat sa ultimate ni Yin na My Turn.

Kapag tumungtong na sa level four si Zhask, kaya nyang ma-out damage ang kahit sinong fighter hero, lalo na si Yin. Ang ultimate ni Zhask na Doominator’s Descent ay nagbibigay ng malakas na damage, at ang tanging paraan upang maiwasan ito ay ang lumayo at hintaying matapos ito.

Kung gamit mo ang Martial Genius, huwag mong gagamitin ang ultimate mo kay Zhask, siguradong katay ka.

Sun

MLBB Sun Yin counter
Credit: Moonton

Kaya lang humila ni Yin ng isang hero sa loob ng kanyang ultimate. Kapag katapat nya si Sun, ang 1v1 situation ay magiging 3v1 sa kamay ng Monkey king. Ito ay dahil kayang dalhin ni Sun ang lahat nang kanyang doppleganger sa domain ni Yin.

Dahil sa kanyang skillset, mas lumalakas din si Sun habang tumatagal ang laban. Salamat sa kanyang passive na Simian God, na nagpapababa ng physical defense ng kalaban habang tumatanggap ng damage mula kay Sun at kanyang mga dopplegangers. Piliin mo si Sun kung gusto mong magsisi ang Martial Genius tuwing gagamitan ka niya ng ultimate.

Argus

MLBB Argus Yin counter
Credit: Moonton

Si Argus ang fighter hero na ayaw mong makatapat saan man sa Land of Dawn.

Kaya niyang mag-transform sa mas malakas na bersyon ng kanyang sarili gamit ang kanyang ultimate na Eternal Evil, kung saan invulnerable siya sa loob ng apat na Segundo. Maibabalik din ang 100% ng damage na natamo niya pag natapos ang Eternal Evil.

Ang isang magaling na Argus player ay ibe-bait ang Yin na gamitin ang My Turn pag mababa na ang kanyang health, at agad-agad na gamitin ang kanyang ultimate bago pa bumanat si Yin. Asahan mong si Argus ang lagin matitira pagkatapos ng My Turn.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.