Kasunod ng pag-alis nina Coach John Laurence “Lift” Ruiz at ng iba pang miyembro ng TNC Pro Team ML, papakawalan na din ng TNC Pro Team ML sina Frediemar “3MarTzy” Serafico, Adrian “Toshi” Bacallo at Landher Mendoza “Der” San Gabriel.

Credit: TNC Pro Team ML

Ito ay ginawang pormal ng MPL team sa isang Facebook post kung saan nagpasalamat ang koponan para sa mga naiambag ng mga pros sa kampanya nila sa Season 8.

Sulat ng TNC, “Some things come to an end, not because it wasn’t good but because we need to grow. Thank you 3mar, Toshi and Der for the great gameplays and memories.”

Dagdag pa nila, “We appreciate everything you’ve done for the team. Always rise wherever your future might be. Nice g!”


Malaking parte sina 3MarTzy, Toshi at Der sa lineup ng TNC

Credit: TNC Pro Team ML

Sentro si 3MarTzy sa atake ng TNC sa kanilang kampanya sa MPL PH Season 8. Kilala ang EXP laner sa kaniyang agresibong maniobra tampok ang kaniyang mga Lapu-Lapu at Benedetta plays.

Ang beterano namang si Toshi ay magilas na dinala ang gold lane para sa kaniyang koponan, bida ang kaniyang halimaw na Alice na makailang-ulit na bumuhat sa kaniyang team sa late game.

Bagamat isa sa mga substitute sa EXP lane, ipinakita ni Der na dapat siyang antabayanan dahil sa mga ilang pagkakataong ipinakita niya ang kaniyang husay sa one on one sitwasyon sa deadlanes.


Sundan ang pinakahuling mga balita tungkol sa roster changes ngayong season sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook!