Ang Mobile Legends: Bang Bang ONE Esports MPL Invitational 2021 (MPLI 2021) ay opisyal na magsisimula sa November 2 at katatampukan ng 20 sa pinakamahuhusay na Mobile Legends: Bang Bang teams sa Southeast Asia.

Sa artikulong ito, inilista namin ang mga players na nagpakita ng kakaibang husay sa kani-kanilang mga MPL regions. Ang mga players na ito ay nagpamalas ng pagkabihasa sa kanilang mga roles sa Land of Dawn, at naging mga susi sa tagumpay ng kanilang mga koponan.

Narito ang listahan ng ONE Esports ng mga players na dapat abangan ng mga fans sa MPLI 2021.


5 best players na dapat abangan sa MPLI 2021

Hadji (Blacklist International)

MLBB MPL PH S8 Blacklist International HADJI
Credit: MPL Philippines

May dahilan kung bakit tinawag na KDA machine si Salic “Hadji” Imam. Sya ay mechanically gifted at kadalasang nangunguna pagdating sa KDA ng kanyang team, kahit pa noong nasa Smart Omega pa sya noong Season 6 at 7.

Nagpatuloy ang pamamayagpag ni Hadji sa MPL PH Season 8 kasama ang Blacklist International. Sa kabila ng pagpapalit ng role mula jungle papuntang support, nanatili syang mahinahon at naging isang matibay na sandigan ng black and white squad.

Sya ang tinanghal na MPL PH Season 8 regular season MVP at finals MVP matapos ang kanilang grand final win laban sa ONIC PH.

MLBB MPL PH S8 Finals MVP HADJI
Credit: Blacklist International

Isang batikang player na lumaban na sa mga international tournaments tulad ng M2 World Championship at MPLI 2020, makakaasa tayong ibibigay ni Hadji ang lahat nang kanyang makakaya sa MPLI 2021.


Butsss (ONIC Esports)

MLBB MPL ID S8 ONIC Esports Butsss
Credit: MPL Indonesia

Biglaan ang pagsikat ni Muhammad Satrya “Butsss” Sanubari sa MPL Indonesia (MPL ID) scene. Noong nakaraang dalawang seasons, bahagi sya ng EVOS Legends, ngunit hindi sya nabigyan ng pagkakataong magkaron ng mahabang playtime.

Nang kunin sya ng ONIC Esports pa ra sa season na ito, umarangkada ang kasikatan ni Butsss bilang EXP laner, at binansagang most improved player ng MPL ID.

Nang kunin ng ONIC Esports ang korona sa MPL ID Season 8 matapos nilang talunin ang powerhouse na RRQ Hoshi, isa si Butsss sa mga naging dahilan ng tagumpay na ito. Ang kanyang pagkabihasa sa paggamit mga tanky fighters tulad ng Barats, Balmond, at Ruby ay hindi mapapantayan, at mariing masususbukan laban sa ibang rehiyon sa MPLI 2021.

Kung may dapat ikapangamba ang mga teams sa EXP lane, si Butsss yun.


SaSa (Team SMG)

MLBB MPL MY S8 Team SMG SaSa
Credit: Team SMG

Isa na siguro sa mga pinakamnakakagulat na pangyayari sa MPL MY Season 8 ay ang pagkuha ng Team SMG kay Lu “SaSa” Khain Bean mula sa ONIC Esports Indonesia.

Si SaSa ang nagbigay buhay sa organisasyon at ginawa itong isang pwersang kinikilala at di mapigilan sa MPL MY scene. Matapos mamalagi sa panghuling pwesto sa nagdaang tatlong seasons sa MPL MY, kinuha ng Team SMG ang kampeonato sa MPL MY Season 8 pagkatapos ng isang 4-0 sweep kontra Todak sa grand final.

Hindi lang matinding mechanical skill sa Land of Dawn ang dala ni SaSa kundi pati na rin ang winning mindset sa lahat nang kanyang laro.

Bukod sa pag-angkin ng tropeyo sa MOL MY Season 8, may mahabang listahan din ng achievements ang marksman extraordinaire, tulad ng pagkapanalo sa MPL ID Season 3, MSC 2019, at 2019 President’s Cup kasama ang ONIC Esports.

Sa nalalapit na MPLI 2021, walang duda na handa na si SaSa at ang Team SMG na harapina ng mga pinakamahuhusay na koponan sa Southeast Asia.


Adammir (EVO SG)

MLBB MPL SG S2 EVOS SG Adammir
Credit: EVOS SG

Sa pag-alis nina Pokemon, Girl, Swoop, at Dagger, kinaharap ng EVOS SG ang mabigat na tungkuling ipagtanggol ang kanilang MPL SG Season 1 title nang may bagong lineup.

Isa sa mga players na ito ay ang dating ALMGHTY star na si Adam “Adammir” Chong. Buti na lang at hindi sya naapektuhan ng bigat ng obligasyong ipagtanggol ang korona, madali syang naka-adapt sa bagong team.

Matapos manguna sa regular season sa record na 5-2, umusad si Adammir at ang EVOS SG sa upper bracket at kalaunan ay ipanalo ang kanilang rematch laban sa RSG SG sa grand final.

At dahil ito ang magiging unang international competition na sasalihan ni Adammir, nasasabik ang lahat na makita syang makipagsabayan sa mas mabibigat na kalaban.


Baloyskie (ONIC PH)

MLBB MPL PH S8 ONIC PH Baloyskie
Credit: Baloyskie’s Facebook page

Matapos iwan ang ONIC PH tatlong seasons na ang nakararaan, muling nagbalik si Allen “Baloyskie” Baloy sa MPL PH Season 8 upang ibalik ang yellow hedgehog squad sa mapa.

Kilala dati bilang Greed ng Sunsparks at Aura PH, ang leadership skills ni Baloyskie ang nagdala sa ONIC PH sa grand final gamit ang mga midlane heroes tulad ni Natan at ang kanyang signature Selena pick.

Walang kapantay ang kakayahan ni Baloyskie na manguna sa game at gumawa ng mga openings para sa kanyang mga teammates. Idagdag mo pa ito sa kanyang lumalaking credentials sa Mobile Legends: Bang Bang Philippines scene, at meron ka nang isa sa mga pinakamahusay na support sa buong rehiyon.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.